Chapter 36

865K 10.7K 895
                                    

Thank you sa mga napaka-supportive na readers ng story na 'to. Salamat sa inyong comments and votes... Kung may gusto kayong sabihin sa akin na kahit anong feedbacks, rants o violent reactions man 'yan, pwede n'yo rin po akong i-PM.


__________________

Chapter 36


[Vianca's POV]


Nagising ako ng maingay na tunog ng alarm clock, kaya pupungas-pungas na inabot ko ito sa ibabaw ng bedside table. Nang tingnan ko kung anong oras na ay eksakto alas-sais na pala.


Maaga akong gumising ngayong mga nakalipas na araw, dahil ako ang naghahanda ng almusal namin ni Mitsui. Dagdag pa rito ang mga gawaing bahay na kailangan kong asikasuhin. Wala kasi si Manang Flor na dating gumagawa nito para sa amin. Buti na lang, lumaki akong sanay sa ganitong mga gawain.


Bahagya akong umupo at tiningnan ko si Mitsui na tulog na tulog pa rin sa tabi ko.


"Gising na. Maaga pa ang pasok n'yo." Nakatagilid siya sa akin, kaya mahina kong niyugyog ang likod niya.


Maaga ang class schedule niya, samantalang half-day naman ako. 'Yon nga lang, kailangan kong mag-prepare ngayong umaga, dahil magkasama kaming pupunta ni Ashley sa bahay ni Diane.


"Hon... gumising ka na." Ang sweet, may term of endearment na kaming dalawa. Pinagdidiskitahan niya kasi ang pagtawag sa akin ni Dwayne ng 'Avi.' Kesyo, dapat wala raw ibang tumatawag sa akin ng espesyal.


"Baka mamaya niyan late ka na naman," pukaw ko ulit kay Mitsui. Ang hirap niya talagang gisingin tuwing umaga. Ang dapat siguro buhusan ko na lang siya ng malamig na tubig.


Ayaw pa rin niyang gumising, kaya bumangon na ako. Madami pa akong dapat asikasuhin maliban sa kanya.


Makalipas ang isa't kalahating oras ay pumasok ulit ako sa kwarto. Natapos ko na ang mga kailangan kong gawin.


Nakapaghanda na ako ng breakfast, pero nauna na akong kumain sa kanya. Dahil hanggang ngayon, tulog pa rin siya.


"Mitsui, tanghali na..." sabi ko habang kasalukuyang nag-aayos ng sarili ko sa harap ng full-length mirror. Nakatingin ako sa repleksyon niya mula sa salamin.


Nilakasan ko na ang boses ko para magising siya. "Bahala ka. Kapag na-late ka naman kay Prof. Matias, sermon ang aabutin mo do'n," pananakot ko kahit alam kong wala naman itong epekto sa kanya.


Ayaw pa rin niyang gumising, kaya humakbang na ako papalapit sa kama. Kagaya kanina, nakatalikod pa rin siya sa direksyon ko kaya yumuko ako para makita ko ang mukha niya.


Marahan kong tinapik ang pisngi niya. "Mayamaya bumangon ka na, ha? Naghanda na ako ng almusal. Maaga ang lakad ko, kaya nauna na akong kumain sa 'yo," saad ko. Bagaman hindi ako sigurado kung naririnig niya nga ako.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon