Chapter 26

847K 10K 230
                                    

Chapter 26


[Vianca's POV]


Dali-dali akong nagbihis matapos lumabas sa banyo si Mitsui. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang ginagawa ko iyon.


*BLAG!*


Narinig ko ang malakas na paghampas niya sa pinto.


Walang-hiya ka talaga, Mitsui! Ang manyak mo! Ikaw pa ang may ganang magwala diyan sa labas!


Kinuha ko ang mga gamit ko at mabilis akong lumabas ng bathroom.


"Waah!" Itinapon ko ang mga dala ko sa sahig at patakbo akong nagtungo sa kama. Humiga ako agad at nagtalukbong ng kumot. "Waah! Nakakahiya!" sigaw ko habang parang sirang isiniksik ang sarili ko sa headboard.


Ilang minuto na akong nasa gano'ng posisyon nang sakto namang dumating si Mylene sa loob ng kwarto namin. "Ms. Vianca, ano pong ginagawa n'yo?"


Napabalikwas ako at humarap kaagad sa kanya. Nakita ko sa mukha niya ang labis na pagtataka sa ikinikilos ko.


"Uhh... wala... Bigla kasi akong gininaw pagkatapos kong maligo. Ang lamig kasi ng tubig," pagsisinungaling ko.


"Ah, okay po." Naniwala naman siya sa dahilan ko. "Ay, oo nga pala," sabi niyang tila may biglang naalala. Naglakad siya papunta sa may cabinet at pagbalik niya ay may bitbit na siyang maliit na signage.


"Natanggal ito kanina kaya lang hindi ko naibalik kasi biglang tumawag si Trisha." Isinabit niya ulit sa harap ng pinto yung reminder sign sa tamang paggamit ng banyo.


Naku! Ikaw palang babae ka ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to.


"Teka, Ms. Vianca, kakaligo n'yo pa lang, 'di ba? Anyway, alam n'yo naman po siguro ang tungkol dito?" Kung magsalita siya, parang hindi big deal ang bagay na 'yon.


"Ha? Oo naman. May napuntahan na akong hotel dati na may ganyan din." Ngumiti ako nang pilit kay Mylene, pero deep inside ay nanggagalaiti ako sa kapabayaan niya.


'Di nagtagal ay lumapit siya sa akin at umupo rin sa dulo ng kama. Kitang-kita ko nang nagningning ang mga mata niya. "Alam n'yo po ba kung sino ang ka-share natin dito?"


Umiwas ako ng tingin. "Hindi," maikling sagot ko.


"Ang ka-share natin ay walang iba kundi ang napakagwapong si Mitsui," kinikilig na sabi niya sa akin. Nahalata kong punung-puno ng paghanga ang boses niya.


"Sinong Mitsui?" pagmamaang-maangan ko.


Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon