Chapter 29

856K 10.2K 668
                                    

Chapter 29


[Vianca's POV]


Mabilis na lumipas ang dalawang oras nang makarating ako sa pier. Medyo may kamahalan nga lang ang ticket, dahil pang-first-class cabin ang nabili ko. Naubos na kasi 'yong pang-ordinary at ito na lang ang available. Napilitan akong gumastos ng malaki, basta ang mahalaga makauwi lang ako kaagad.


Matiyagang naghihintay ako sa pag-alis ng Super Ferry nang makaramdam ako ng gutom. Hapon na at hindi pa nga pala ako nakakapagmeryenda, hindi rin ako nakakain nang maayos na lunch kanina.


Hindi ko na matiis ang kumakalam kong sikmura, kaya nagtungo muna ako sa isang canteen na malapit sa pier. Sakto namang kakapasok ko pa lang sa loob ng kainan nang marinig kong inanunsiyo na ng mga empleyado ng barko na maaari nang sumakay ang mga pasahero.


Sa takot kong maiwan na naman ng biyahe ay binilisan ko na ang pag-order ng makakain. "Manang, isa nga pong pancit palabok at softdrink." Ito na lang ang inorder ko, dahil ito agad ang nakita ko sa estante ng mga naka-display na pagkain.


Umupo na ako sa isang bakanteng puwesto nang i-serve ng ale ang pagkain sa harap ko. Dali-dali kong inubos ang pancit. Kesehodang hindi ko na ito malasahan, basta magkaroon lang ng laman ang tiyan ko.


Mayamaya pa, bigla akong may kakaibang naramdaman. "Teka lang po, Manang," tawag ko sa matabang ale.


"May nilagay po ba kayong hipon sa pancit na niluto n'yo?" ninenerbiyos na tanong ko.


"Oo, Miss, sinahugan ko 'yan ng sariwang hipon," nakangiting sagot niya.


"Sige po. Okay na po. Pwede na kayong bumalik sa kusina." Pinipilit kong ngumiti habang pasimple ko siyang itinataboy paalis. Sumunod naman ang ale at tumalikod na sa akin.


Naku po! Napatampal ako sa noo ko. Ang tanga ko talaga. Bakit ba napaka-careless ko? Basta ko na lang kinain 'yong pansit na may hipon, samantalang allergic ako sa prawns at ibang uri ng seafood.


Binuksan ko ang bagahe ko at hinalungkat ang laman nito. Buti na lang at palagi kong dala ang gamot ko pangontra sa allergies.


Tumayo na ako at binitbit ang mga gamit ko. Dumaan muna ako sa isang tindahan para bumili ng mineral water. Iinomin ko na lang ang gamot kapag nakasakay na ako sa barko. May side effect kasi itong nakakaramdam ako ng antok at pagkahilo.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon