Chapter 18

875K 10.9K 724
                                    

Chapter 18


[3rd Person POV]


Alas-nuwebe ng umaga at kakaalis lang ng first subject professor ni Mitsui. Mula sa isang stressful graded recitation, nag-umpisa na namang mag-ingay ang buong klase.


Ang mga girls ay kanya-kanyang kuha ng makeup kits para mag-retouch. Ang mga boys naman ay ginawang tambayan ang loob ng classroom. 'Di alintanang nagsabi ang kanilang next professor na magbibigay ito ng unit exam ngayong araw.


"Nag-review na kayo? 'Di ba mag-eexam daw si Prof. Diaz?" worried na tanong ni Adrian.


"No need. I have plenty of resources," kampanteng sagot lang ni Karl, sabay lingon at kindat sa magandang seatmate nito. As usual, mangongopya ulit ito sa katabi.


"Eh ikaw, bro?" tanong naman nito kay Mitsui.


Nagkibit-balikat lang siya. "Si Zeke na ang bahala," sabi niya habang naka-slouch sa upuan. Kagigising lang niya. Inantok kasi siya sa first subject nila.


"Oo nga pala." Biglang lumapad ang ngiti ni Adrian. "Pare, alam mo na. Dating gawi," bulong nito kay Zeke. Actually, si Zeke Madrigal lang ang grade conscious sa kanilang apat. Isa itong total package—gwapo na, dean's lister pa.


Hindi na pinansin ni Mitsui ang usapan ng mga kabarkada. Sanay na kasi siyang palagi silang ganito tuwing may exam.



***

"Guys, good news!" Humahangos na dumating sa loob ng classroom ang isa nilang kaeskuwela. "May urgent meeting si Ma'am Diaz. Ibig sabihin, wala tayong exam." Masaya nitong ibinalita ang nasagap na impormasyon sa labas.


"Is that true?" pagdududa ng estudyanteng nasa unahan.


"Yup! Napadaan ako sa conference room at nakita kong nagpunta do'n si Prof kasama ang ibang faculty members."


"Woohoo!" Tuwang-tuwa ang mga students, kasi vacant na naman sila for the next 3 hours. Higit sa lahat, nakaligtas sila sa nerve wracking exam ni Prof. Diaz.


At dahil nga sa walang professor, muli silang nagkanya-kanya ng mapagkakaabalahan. Balik chikahan at pagpapaganda ang mga girls, habang tumambay muna sa loob ang mga boys. Bawal kasi ang magpagala-gala sa hallway kapag supposed to be ay may pasok pa.


Sina Karl at Zeke ay busy nang mag-cell phone. Si Adrian naman naka-iPod. Samantalang bumalik ulit sa pagtulog si Mitsui.



***

Makaraan ang sampung minuto ay may pumasok na isang 'di kilalang babae sa classroom.


Nagbulung-bulungan ang buong klase. Noong una, napagkamalan pa itong estudyante ng mga naroon. Baka bagong irregular classmate. May mga irregular college students kasing kahit saan pumapasok para um-attend sa isang partikular na subject.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon