Chapter 20

869K 10.4K 1.1K
                                    

Chapter 20


ONE YEAR LATER


[Vianca's POV]


"Ipinagluto kita ng favorite mo." Pinaglagyan ko si Mitsui ng paborito niyang ulam sa plato.


"Thanks, hon," sagot niya. Ngumiti pa siya bilang sukli sa pagiging sobrang maasikaso ko.


"Masarap ba?" malambing kong tanong matapos niyang sumubo ng isang kutsara.


"Hmmm..." Nag-thumbs up siya habang ngumunguya. Sa sarap ng luto ko, hindi siya makapagsalita.


Sinalinan ko pa siya sa plato niya. "Heto pa, ubusin mo 'yan."


"Ahem!" May tumikhim sa harapan namin, kaya sabay kaming napatingin dito ni Mitsui.


"My grandson is really lucky to have you, Vianca," puri sa akin ni Madame Sofia. Narito siya sa bahay at kasalo namin sa hapunan.


"Ah... eh... masuwerte rin naman po ako sa kanya," nakayuko at nahihiyang sagot ko.


"When are you planning to have a baby? I'm getting older. I want to see my great grandchildren." Narinig kong tanong ni Madame kay Mitsui.


Imbes na sumagot kaagad ay bigla siyang tumawa, kaya inangat ko na ang ulo ko.


"Grandma, my wife should be the one to answer that. Whenever I ask her, she kept on insisting that she didn't like to gain weight."


"Of course not! Hindi po sa gano'n. Ang totoo po—" Magpapaliwanag na sana ako.


"If you're just going to give me some ridiculous excuse, then just stop. It's so upsetting." Tumingin sa akin si Madame at pinangaralan tuloy ako.


"The real essence of being a woman is to give birth to a child and be a mother. How will you do that if you didn't want to get pregnant only because of a nonsense reason?" striktong saad nito.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon