Chapter 38

787K 9.2K 1.7K
                                    

Chapter 38


[Vianca's POV]


"Magkakaroon na kami ng baby ni Mitsui," humihikbi kong saad. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa sobrang kasiyahan.


"Oo, congrats sa inyo." Matapos ng ilang minutong pag-alo ni Ashley ay humiwalay siya sa akin. "Alam kong it's too early para itanong 'to, pero anong plano mo? Few months from now, mahahalata na ang tiyan mo. Siyempre, magtataka ang lahat kung sino ang father niyan. Ang alam pa naman nila, dalaga ka pa. Baka sabihin nilang disgrasyada ka."


Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya. Malaki ang posibilidad na husgahan ako ng mga tao bilang ganoong uri ng babae.


Sa totoo lang, maraming beses na ring sumagi sa isip ko ang ganitong mga alalahanin. Nang magsimulang mahulog ang loob ko kay Mitsui ay napag-isipan ko na rin ang mga maaaring maging consequences ng relasyon namin.


Kahit anong mangyari ay hindi namin pwedeng i-announce sa buong school na kasal kami, lalo pa't parang finalsify ko 'yong records ko rito. Hindi ko kasi dineclare na married na ako.


Huminga ako nang malalim at direkta kong tiningnan si Ashley sa mata. "Nakahanda akong i-sacrifice ang career ko para sa magiging anak namin. Kung kinakailangang mag-resign ako, gagawin ko," determinadong sagot ko. Kahit na napamahal na rin sa akin ang profession na 'to, ready akong i-give up ito para sa pamilya ko.


"Bilib na talaga ako sa 'yo," nakangiti niyang tugon, at saka niya ginulo ang buhok ko. "Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig."


Napangiti rin ako sa ginawa niya. Maaasahan ko talaga siyang kaibigan. Nakasuporta siya lagi sa tabi ko.


Matapos ang lunch break namin ay pumasok pa ako sa afternoon classes ko. Nag-aalala pa rin si Ashley, pero in-assure ko naman sa kanyang maayos na ang lagay ko. Nagbilin na lang siyang tawagan ko siya agad kung sakaling sumama ulit ang pakiramdam ko.


Napagdesisyunan ko ring pag-uwi ko na lang sa bahay sasabihin kay Mitsui ang tungkol sa pagbubuntis ko.


Alam kong kahit kailan, hindi pa namin napag-usapan ang possibility ng pagkakaroon ng baby, pero sigurado akong matutuwa siya sa ibabalita ko. Sunod namin 'tong ipapaalam kay Mama Angela at kay Madame Sofia. Naku, pihadong matutuwa ang mga 'yon.



***

Alas-siyete ng gabi, nanonood ako ng TV habang naglilibang at hinihintay kong umuwi si Mitsui. Kadalasan kasi mga ganitong oras siya umuwi tuwing Lunes.


Makalipas ang dalawang oras, hindi pa rin siya dumarating kaya nag-alala na ako. Tsk! Nasaan na naman kaya 'yon? Aba, alas-nuwebe na.


Malamang na niyaya na naman siyang gumimik nina Adrian. Late siya umuuwi 'pag nagkayayaan ang barkada nila.


Aish! Kahit kailan talaga bad influence ang mga kaibigan niya. Ang mabuti pa siguro tawagan ko na lang siya.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon