Chapter 77

522K 9.2K 805
                                    

Chapter 77


[Mitsui's POV]


"Ang tagal naman ni Zeke. Sino naman kayang tumawag sa cell phone niya? Bigla na lang nang-iwan," reklamo ni Adrian. Nasa gazebo kami matapos magyaya ni Zeke ng inuman.


"Mik?" Nakatingin si Adrian sa likuran ko, kaya lumingon din ako.


Only to find out that Zeke was with a woman whom I haven't seen for almost four years. He's with Mikhaela.


"How's everything, Mik? Ang tagal nating 'di nagkita. Kailan ka pa dumating galing States?" Adrian approached her smiling.


"Last Monday lang. May inaasikaso kasi ako dito sa bansa kaya umuwi ako sandali." She also smiled in return.


"Mitsui, may sasabihin lang sa 'yo si Mikhaela." Lumapit sa kinauupuan ko si Zeke. Pagkatapos ay umalis na sa tabi ko at saka niyaya si Adrian. "Tara na pare. Bumalik na tayo kina Pia."


"Sige, mauna na kami sa inyo. Mukhang may importante nga kayong pag-uusapan ni Mik," paalam sa amin ni Adrian.



***

"Hi!" nag-aalinlangang sabi ni Mikhaela. I can see it on her face that she's a little bit nervous.


"Have a seat." Itinuro ko ang upuan sa tapat niya.


I stared at her and saw that nothing much had changed in her physical appearance.


"Ah, yes..." she said before sitting in front of me.


Nakatingin lang kami sa isa't isa nang ilang minuto, kaya 'di nagtagal ay siya na ang unang nagsalita. "How are you doing? It's been four years since huli tayong nagkita sa LA."


Ang tinutukoy niya ay nang minsang pinuntahan niya ako sa Los Angeles. Nasa kalagitnaan ako ng master's degree ko sa California nang bigla siyang magpakita sa harap ng inuupahan kong bahay. She traveled all the way from Florida just to meet me.


"I'm doing great. Nagkabalikan na kami ni Vianca at may anak na kami," I emphasized.


Binigyang diin ko na ang bawat salitang binitawan ko para kung sakaling ipagpipilitan ulit ni Elle ang sarili niya sa akin, alam niya na kaagad ang sagot.


"I'm glad na nagkaayos na pala kayo. At least, ngayon nahanap mo na ang mga mahalagang tao sa buhay mo." She suddenly sounds so serious.


"I realized what's important in my life, and I am afraid of losing her and my son. Vianca is willing to give me a second chance and I would never be so stupid to betray her again," I answered in the same manner.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon