Chapter 16

839K 10K 703
                                    

Chapter 16


[3rd Person POV]


Pagdating pa lang ni Mitsui sa campus ng Southern Yale ay nakasabay na agad niyang maglakad sa school quadrangle ang isa sa mga kabarkada niya.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hey! Bro, what's up?" masayang bati sa kanya ni Adrian.


"Looks like your happy nowadays. Good for you," puna niya.


"Ikaw lang naman 'tong palaging galit sa mundo. Hahaha!" Sinabayan pa nito ng mapang-asar na tawa.


Hindi niya na lang ito pinansin. Ayaw na niyang patulan pa ang pang-iinis nito. Masyado nang maraming nangyari ngayong umaga para idagdag pa ang kalokohan ng kaibigan.


Pagtapat nilang dalawa sa isang silid-aralan ay kaagad silang pumasok sa loob. Late na sila, pero balewala lang ito sa kanila.


"Woah! Walang pasok?" nagulat na tanong ni Adrian nang madatnang wala ang ibang kaeskwela nila, at sa halip ay naroon lang ang dalawa pa nilang kabarkadang sina Karl at Zeke. "Tara, inuman na tayo. My treat!" dagdag pa nito.


"Gago! Nando'n lang sila sa computer lab. Doon daw magle-lecture si Prof. Trias," tukoy ni Karl sa kanilang mga kaklase.


"Ba't 'di kayo nagpunta do'n?" untag ni Adrian.


"Eh, kayo anong ginagawa niyo rito? Tss! Pare-pareho lang tayo," walang ganang sagot naman ni Karl.


Hindi na pinansin ni Mitsui ang alaskahang ginagawa ng mga kabarkada. Sanay na kasi siyang araw-araw silang ganito.


Nagtungo na lang siya sa likurang bahagi ng room. Pasalampak na umupo siya dito at yumuko sa arm chair para matulog.



***

Ilang sandali pa lang ang nakakalipas nang may isang babaeng estudyanteng pumasok sa classroom. Maganda ito at mukha ring matalino.


"Hi, Miss!" bati ni Karl. "Were you looking for me?" Umandar na naman ang kayabangan at pagka-casanova nito.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon