Chapter 34

886K 9.7K 806
                                    

Chapter 34


[Vianca's POV]



—After Two Weeks


Alas-onse na ng umaga, thirty minutes pa bago matapos ang klase. Balak ko sanang mag-early dismissal, kaya lang baka makatanggap na naman ako ng reprimand galing kay Dean Narvaez. Noong nakaraang araw, may nakakita na maaga kong pinauwi ang mga estudyante ko. Kaya 'ayun, pinatawag ako ni Dean.


Inaayos ko ang mga gamit sa professor's table nang may kumatok sa pinto.


"Excuse me, class. Tingnan ko lang kung sino ang nasa labas." Mula sa kinaroroonan ko ay tinungo ko ang pinto at binuksan ito. Bumungad sa harap ko ang palaging in good mood na si Dwayne.


"Hi, Avi!" Ang lawak ng ngiti niya habang nakatayo sa tapat ng pintuan.


Bahagya pa siyang humakbang at saka sumilip sa loob ng silid. "Good morning, guys!" Cool na kumaway pa siya sa mga students ko.


Bigla tuloy nagtilian ang mga babae sa klase.


"Hi, Sir Dwayne!"


"Ang gwapo ni Sir ngayon!"


"Sir, you look stunning!"


Samu't saring papuri ang ibinigay sa kanya, lalung-lalo na ng mga girls.


"Yeah! Sir, you're so hot in that outfit."


Pansin ko nga na sobrang gwapo ni Dwayne ngayon sa suot na gray long sleeved polo shirt.


Ano ba naman 'yan? Nagagawa ko pang tumingin sa iba samantalang may asawa na ako. Well, wala namang masama doon. Ina-appreciate ko lang naman ang good looks na taglay niya. At isa pa, kuntento na ako kay Mitsui.


Talking about Mitsui, palihim akong sumulyap sa direksyon niya. Tulad ng inaasahan, siya sampu ng mga lalaking kaklase niya ay asar na naman kay Dwayne.


Nakita kong madilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Haay! Bad trip na naman po ang asawa ko.


"Can I, Avi?" Bumalik ang atensyon ko kay Dwayne nang muli siyang magsalita.


"Pardon?" Pasensiya na, hindi ko narinig ang sinabi niya. Abala kasi ang utak ko kay Mitsui. "Sorry, pwede paki-ulit."


Nginitian niya ako. Napansin niya sigurong wala sa kanya ang konsentrasyon ko. "I said, if I can borrow some of your lecture time? Just 15 minutes will do."

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon