Chapter 74

532K 8.9K 743
                                    

Chapter 74


—After One Week—


[Vianca's POV]


Nakatira na kami sa two storey house and lot na bagong bili ni Mitsui. Apat na araw na ang nakakalipas nang lumipat kami rito. At so far, masaya ako sa nagiging takbo ng mga pangyayari.


"Lei, come here. May sasabihin ako sa 'yo." Tinawag ko ang anak kong kasalukuyang naglalaro ng toy airplane sa loob ng kwarto.


May sariling bedroom na si Lei, habang kami namang mag-asawa ay magkasama na rin sa isang kwarto. Kinukulit niya kasi akong magkaroon na siya ng hiwalay na silid. Ang daddy niya naman, mapilit na dito ako sa master's bedroom. Kaya ito ang naging resulta.


At yun na nga. Dahil nasa iisang kwarto lang kami ni Mitsui, ibig sabihin magkatabi na kaming matulog. Lilinawin ko lang, magkatabi lang kaming matulog sa higaan at hindi pa kami lumalagpas dun.


Kahit na ganyan ang personality niya, hindi pa naman umaabot sa puntong kinulit at pinuwersa niya ako sa gusto niyang mangyari. Kapag ayaw ko at tumanggi ako, nirerespeto niya ang desisyon ko. At isa 'yon sa mas lalong hinangaan ko sa kanya ngayon.


Bagama't madalas kong mahalata na nagpipigil lang siya sa sarili. Nakukuntento naman siya sa kaunting lambing-lambing ko lang sa kanya. Tama na muna 'yon. At least, matutunan niya kung paano magkaroon ng self-control at mahabang pasensiya.


"Ano po 'yon, Mommy?" Iniwan ni Lei sa sahig ang hawak na laruan at kaagad na lumapit sa akin.


"Later, pagpunta natin kay Mama Angela, 'wag kang magsasabi ng kahit ano about L. Okay?" Bibisitahin namin mamayang gabi si Mama at doon kami magdi-dinner, kaya kailangan ko na siyang turuan ng mga dapat at 'di niya dapat gawin.


"Bakit po?" tanong niya.


"Ganito kasi... baka maguluhan siya kapag sinabi mo 'yon." Si Lei nga naguguluhan pa rin hanggang ngayon kung may kinalaman ba sa buhay namin si L, tapos nandiyan pa si Mama.


May isa pa nga pala. Ang grandma ni Mitsui na si Madame Sofia.


Balita ko next month pa ito dadating mula Korea. Pero ngayon pa lang dapat masanay na siyang huwag banggitin ang tungkol kay L. Mas mabuti na ang nag-iingat. Baka mapagalitan pa kami ni Madame. Ang strikto pa naman no'n.


"Bakit nga po?" tanong ulit sa akin ni Lei. Pati tuloy ako nalilito na kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.


"Listen carefully." Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi at pinagmasdan ko siyang maigi. "Ang pangalan ng daddy mo ay Mitsui. From now on, dapat masanay ka na sa name ng daddy mo. Do you understand?"


"Opo." Tumango siya. "Mom, why did he change his name? Hindi na po ba siya babalik sa Korea to continue his work there?"

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon