Chapter 2

1.1M 15.9K 3.8K
                                    

Chapter 2


[Vianca's POV]


Oh, 'di ba? Tumahimik ang lahat nang mag-warning ako na bibigyan ko sila ng exam kapag hindi sila tumigil.


Ganito talaga ang mga students ko. Pinaka-ayaw nilang mag-exam. Ang tatamad kasi mag-aral. Puro lakwatsa, kaya walang maisagot.


Pero kapag nainis talaga ako sa kanila, plano kong magbigay ng 100 item test ngayon mismo.


Item #:

01 - 25. Enumeration

26 - 45. Modified True or False

46 - 65. Definition

66 - 75. Case Analysis

76 - 100. Essay Writing


No erasures allowed. Kapag may erasure sa essay writing, deducted agad sa final score.


Ang alloted time ay one hour lang at ang coverage ng exam ay cover to cover ng libro. And above all, correct minus wrong!


Terror ako, 'no? Sabi nga ng professor ko dati, "Wait until you become." At ngayong instructor na ako, chance ko na rin 'to kaya itotodo ko na.


Actually, medyo matagal pa bago ako maging isang ganap na professor. I'm starting off as a college instructor. Twenty years old pa lang ako—kasing-edad ko nga lang ang mga students dito.


Kung sabagay, respect is being earned not imposed. Alangan namang parati ko silang i-terrorize para lang sumunod sa gusto ko. Siguro kapag tumagal ay masasanay rin ako sa trabahong 'to. Maybe after five years in service?


Halos two months pa lang kasi akong nagtuturo dito sa Yale. Kaya nga pasaway pa ang mga estudyante ko, dahil baguhan pa lang ako. Pagpapasensiyahan ko na lang muna ang katigasan ng ulo nila.


Ngayon pa ba ako susuko? Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko sa buhay.


Dose anyos ako nang maulila sa magulang. Naaksidente kasi ang bus na sinasakyan nina Mama at Papa habang pauwi sila galing Maynila. Kakatapos ko lang noon ng elementarya sa Baguio.


Dahil na rin sa nag-iisang anak lang ako at walang kamag-anak na gustong kumupkop sa akin ay napilitan akong tumira sa tahanan ng mga madre.


Fourteen years old na ako at halos dalawang taong nahinto sa pag-aaral nang makilala ko si Ma'am Angela. I'm very thankful na nakilala ko siya, at sa tulong na rin ng mga madre na nag-alaga sa akin.


Ma'am Angela convinced me to take the placement exam na binibigay ng DepEd sa mga out-of-school youth para makapag-aral ulit. Nang makapasa ako sa pagsusulit ay na-accelerate ako sa fourth year high school.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon