Chapter 28

852K 10.6K 350
                                    

Chapter 28


[Vianca's POV]


Umaga pa lang ng Biyernes, ang huling araw nang pananatili namin sa Cebu, ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga dala kong gamit. Mamayang hapon na kasi ang flight namin pabalik ng Maynila.


Habang nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto namin sa third floor, pinagmasdan ko ang malaking fountain sa ibaba ng hotel na pinalilibutan ng magandang landscape.


Namamanghang nakatingin lang ako rito nang makita ko si Mitsui na naglalakad at may kaakbay na isang babaeng sexy habang patungo sa parking lot. Patuloy ko lang silang pinagmasdan hanggang sa lumiko sila at nawala sa paningin ko.


Napabuntong-hininga na lang ako.


Bakit gano'n siya? Ang hirap pakisamahan ng ugali niya. Noong isang araw, basta na lang siya nagalit nang walang dahilan. Oo, inaamin kong inisip ko nga na baka nagseselos siya. Pero base sa mga ikinikilos at ipinapakita niya ngayon, hindi ko na alam kung ano na ba talaga.


Ilang araw niya na akong iniiwasan. Sa tuwing nagkikita kami, hindi niya ako pinapansin. Hindi na namin nagawang makapag-usap para maliwanagan ang lahat, considering na magkatabi lang ang kwartong tinutuluyan namin.


Tinawagan ko kanina si Ashley at ikinuwento ko ang nangyari sa amin ni Mitsui. Ayon sa pagkakaintindi ni Ash, mukhang hindi naman nagseselos si Mitsui. Sadyang makasarili lang daw talaga siya, to the point na gusto niyang manipulahin ang mga nakapaligid sa kanya.


Napag-isip-isip ko rin ang sinabi ni Ashley. Matagal na kaming nagsasama ni Mitsui, at dahil umiiral ang pagka-self-centered niya, gusto niyang pati ako umikot lang ang mundo ko sa kanya. Ayaw niyang pinagtutuunan ko ng atensyon ang ibang tao.


Pero bakit ganoon? Matapos kong ma-realize ang bagay na 'yon, may kaunting lungkot at panghihinayang akong naramdaman.


Tinanong ako ni Ash kung sa totoo lang ay umaasa ba talaga akong nagseselos nga si Mitsui? Hindi ako agad makasagot sa mga oras na 'yon. May bahagi kasi ng pagkatao kong umaamin na umaasa nga ako.


Siguro nga tama ang paalalang ibinigay sa akin ng kaibigan ko. Iwasan ko raw ang mapalapit kay Mitsui, dahil aasa lang ako kapag nangyari 'yon. Katulad ngayong umaasa akong nagseselos siya, pero hindi naman talaga gano'n ang tunay na nararamdaman niya. 'Wag daw akong masyadong maging attached kay Mitsui, kasi mag-eexpect lang ako at 'pag nagkataon ay maaaring ma-disappoint lang ako sa huli.



***

Isinara ko na ang glass window at inasikaso ko ang mga gamit na dadalhin ko.


Ipinapasok ko sa maleta ang mga natitira ko pang damit na nakatupi sa ibabaw ng kama nang biglang nag-ring ang cell phone ko.


Nakita kong number ni Diane ang tumatawag, kaya agad ko itong sinagot.


Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon