Chapter 23

832K 12.4K 1.4K
                                    

IMPORTANT NOTE:

Sa mga wattpad app users, kapag blank, putol-putol or repeated ang sentences ng story na 'to pag binasa n'yo, kindly LOG OUT then LOG IN lang po kayo sa apps.


Or update n'yo sa latest version ang wattpad app na gamit n'yo. Punta lang kayo sa google play store, search "Wattpad" then press "Update."


Kung hindi pa rin, remove n'yo muna sa library then add n'yo ulit para maayos na ma-reload ang bawat chapters. Thank you.


Please vote and support my story po.


_______________

Chapter 23


[Vianca's POV]


Medyo malalim na ang gabi nang makauwi ako sa bahay. Kagagaling ko lang sa seminar na ginanap sa labas ng Yale University.


Makaraan kong saglit na mag-doorbell sa gate ay pinagbuksan ako ni Manang Flor.


"Hija, kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng hapunan?" alok niya nang magkasabay na kaming naglalakad papasok.


"Wag na, Manang. Kumain na kami sa restaurant ng mga katrabaho ko. Si Mitsui po ba nakauwi na? Nagpa-checkup daw po ba siya sa doktor?" sunud-sunod na tanong ko.


Nabalitaan ko sa school kaninang tanghali na nagkaroon ng injury si Mitsui sa basketball game nila. Pero hindi naman gaanong malala, sprained ankle lang.


"Oo raw. Tinanong ko siya pag-uwi niya," sagot ni Manang. "Andoon na siya sa kwarto niya. Nakakapanibago nga dahil mukhang tutok na tutok siya habang nag-aaral."


Kumunot ang noo ko. Si Mitsui nag-aaral? Malabo yatang mangyari ang bagay na 'yon.


"Nakakapagtaka nga po. Anyway, sige po, magpapahinga na ako. Magpahinga na rin kayo. Goodnight po." Iniwan ko na si Manang at umakyat na ako sa taas.


Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Mitsui, napansin kong bahagyang nakabukas at nakaawang ang pinto kaya sumilip ako dito.


Totoo nga ang ikinuwento ni Manang, dahil nakita ko si Mitsui na naka-focus ang atensyon sa librong binabasa. May kung ano rin siyang isinusulat sa papel.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon