Chapter 30

894K 12.5K 1.3K
                                    

Chapter 30


[3rd Person POV]


Madaling araw na nang muling magising si Mitsui. Pagmulat niya ay agad niyang nasilayan ang magandang mukha ng asawa. Mahimbing itong natutulog habang ang ulo ay nakaunan sa braso niya at nakayap sa kanya.


Ilang saglit pa, gumalaw si Vianca at ang buong akala niya ay nagising ito. Pero hindi pa pala, at sa halip ay niyakap pa siya nito nang mas mahigpit kaya lalong nagkalapit ang kanilang mga katawan, dahilan upang ma-arouse ulit siya.


Huminga siya nang malalim. Todo ang ginawa niyang pagpipigil, lalo pa't ayaw niyang pagsamantalahan ito habang natutulog.


Napangiti siya at nakuntento na lang sa paghalik sa noo ng asawa. "Kunwari pang aayaw-ayaw kanina, pero kung makayakap naman ngayon," pabulong na panunukso niya kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.


Hindi maalis ang ngiting iyon sa kanyang mga labi nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ng Mommy niya.



***

Tawa nang tawa si Mitsui habang nakaupo sa kiosk. Nag-eenjoy na tinatanaw niya si Vianca habang padabog itong nagmamartsa papalayo sa kinaroroonan niya.


Pinagtatawanan niya ang ginawa nitong paghawak sa dibdib para hindi masilipan. Bakit kailangan pa nitong gawin 'yon, samantalang higit pa doon ang nakita niya sa bathroom ng hotel noong isang gabi?


Natigilan siya nang maalala ang insidenteng iyon. Hindi niya inaasahang nasa loob din ng banyo si Vian nang mga oras na 'yon. Sadyang tanga lang talaga ito at hindi nito alam na dapat i-lock ang kabilang pintuan kapag maliligo.


Buti na lang at hindi si Adrian ang pumasok doon, kundi paniguradong ito ang nakakita sa nakahubad na si Vianca.


"Shit!" anas niya. Ang aga-aga pa, pero biglang uminit yata ang pakiramdam niya. Hindi maalis sa isipan niya ang imahe ng napaka-sexy-ing katawan ng asawa.


Itinuon niya sa ibang bagay ang atensyon. Tiyempo namang tumunog ang cell phone niyang nasa bulsa. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag ni Ma'am Angela.


[Hello, Son! Kumusta ang stay n'yo diyan sa Cebu? How's Vianca?]


"We're okay," tipid na sagot ni Mitsui.


[It's your twenty first birthday next week.]


"I'm all grown up. What's the big deal?" hindi interesadong sabi niya.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon