Chapter 78

771K 7.6K 493
                                    

Chapter 78


[Vianca's POV]


—After One Week


Lunes ng hapon at kakatapos pa lang ng final job interview ko sa Southern Yale University.


Buti na lang hindi gaanong strikto ang kasalukuyang Dean ng College of Business and Management. Kaunting question and answer lang, tanggap na agad ako sa trabaho.


Pero minsan naiisip ko na kahit pa nga qualified naman talaga akong magturo sa eskwelahang 'to, may bahid pa rin iyon ng impluwensya ni Mama Angela. Siyempre, alam kasi nilang daughter-in-law ako ng university president.


Okay lang. Papatunayan ko na lang sa kanila ang totoong kakayahan ko.


"Nasaan na kaya si Mitsui? Ang tagal naman," bulong ko sa sarili bago ako tumingin-tingin sa paligid.


Nasa parking lot ako ng school campus at hinihintay ko siya. Tumawag kasi siya kanina na susunduin niya raw ako. Balak ko nga sanang mag-taxi na lang pauwi.


"Dwayne?" Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking nakatayo sa tabi ng isang itim na kotse.


Oo, siya nga! Hindi ako pwedeng magkamali.


Mabilis akong humakbang papalapit sa kanya at tinawag ko siya. "Dwayne!"


Lumingon naman siya kaagad. Kumunot ang noo niya kaya ako na ulit ang unang nagsalita.


"Ako 'to... si Vianca." Mayroon siyang face blindness, kaya ibinigay ko na sa kanya ang pangalan ko para madali niyang maalala kung sino ako.


"Avi!" Saka niya lang ako tuluyang nakilala. "Kumusta ka na? Si Lei? Anong ginagawa mo dito? Are you working here again?" sunud-sunod na tanong niya.


"Isa-isa lang. Hindi ko naman kayang sagutin 'yan nang sabay-sabay," agap ko sa mga idagdag niya pa sana.


"Alright, just answer me kung instructor ka na ulit dito sa Yale."


"Magsisimula pa lang ako next month. Kaka-approve pa lang ng aplikasyon ko kanina," masaya kong sagot.


"Congrats! Alam ko namang dati mo pa gustong bumalik dito sa university," nakangiti niyang tugon.


"Ikaw, ba't napasyal ka sa Manila? Dito sa Yale?" nagtatakang tanong ko.


Dahil sa tanong kong 'yon ay lalong umaliwalas ang mukha ni Dwayne. Bakas sa kanyang mga mata ang sayang nararamdaman niya.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon