Chapter 43

849K 11K 1.4K
                                    

Chapter 43


[Vianca's POV]


Kinahapunan, naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Zeke.


Huminto siya pagtapat namin sa isa't isa at kinausap niya ako. "There's someone who wants to talk to you," sabi niya.


Kumunot ang noo ko. "Ha? Sino?" nagtataka kong tanong.


"Pwede bang mamaya ko na lang sabihin? Naghihintay na kasi siya." Inaya niya ako papunta sa lugar kung saan naghihintay ang taong gustong makipagkita sa akin.


Sumunod na lang ako kay Zeke. May tiwala naman ako sa kanya. Alam kong hindi niya ako gagawan ng kalokohan.


Subalit, habang naglalakad kami ay mas lumalakas ang kutob ko, lalo na nang umakyat kami ng hagdan patungo sa rooftop ng Admin Building. Tila alam ko na kung sino ang gustong makipag-usap sa akin, dahil isa lang ang babaeng nakita kong minsang kasama niya dito noon.


"Mikhaela," pabulong na usal ko. Nakumpirma kong siya nga ang gustong kumausap sa akin nang pagdating namin sa taas ay nakita ko siyang nakatayo habang bahagyang nakatalikod at nakatanaw sa malawak na campus.


Hahakbang na sana akong paatras, ngunit pinigilan ako ni Zeke na nasa tabi ko.


"I hope you can let Mikhaela explain her side."


Tumingin ako sa kanya. "Matagal mo na bang alam ang tungkol sa amin ni Mitsui?" Hindi ko inaasahang may ibang tao na palang nakadiskubre sa aming sikreto.


Tumango siya.


"Pero hindi na importante kung paano ko nalaman. Ang concern ko ngayon ay si Mikhaela. Hiningi niya ang tulong ko para makapag-usap kayo bago siya tuluyang umalis pabalik ng US," malungkot niyang tugon.


"Please, just for a second. She just wants to talk to you before she leaves," pakiusap sa akin ni Zeke.


Pinagmasdan ko siyang maigi at may naaninag akong bakas ng lungkot sa mga mata niya. Kasunod noon ay nilingon ko si Mikhaela na hanggang ngayon ay hindi pa siguro napapansin ang pagdating naming dalawa.


Humugot ako ng malalim na hininga.


Ano pa bang dapat niyang sabihin sa akin kung totoo mang aalis na nga siya?


Noong una ay nagdadalawang-isip ako kung makikipag-usap pa ako kay Mikhaela. Pero namalayan ko na lang ang sarili kong humahakbang papalapit dito.


Kasabay ng paglalakad ko ay narinig ko ang pagsara ng pinto sa likuran ko at ang tuluyang pag-alis ni Zeke.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon