CHAPTER 147

3.9M 86.7K 148K
                                    

DEIB'S POV

"Mahal kita, Deib.. Mahal na mahal kita.."

Kusang naluha ang mga mata ko!

"T-Taguro.." naiusal ko.

"Kaya wag ka ng magseselos.. kasi ako yung nasasaktan sayo e.."

Ang hirap pigilan minsan, Taguro.. Madaling mag-utos na huwag masaktan---pero kapag nandyan na, ang hirap hirap pigilan..

Gusto ko syang makita!

Gusto kong marinig mula sa kanya yan ng harap harapan!

"N-Nasan ka??" kabadong tanong ko.

"Mmm? Nasa veranda.."

"Saan yan! Pupuntahan kita!" matapang pang sambit ko!

"B-Bakit??" gulat na tanong nya.

"Gusto kong sabihin mo yan lahat sa harap ko..!!!"

Hindi sya agad nakasagot..

Mukhang tanga akong paikot-ikot sa kwarto ko habang hinihintay ang sagot nya..

Kinakabahan ako at hindi ako mapakali!

"Wag na.. dalawang araw na lang rin naman.. babalik na kami---"

"P-Pero.. Tsk.. G-Gusto na kitang makita.."

"Gusto na rin naman kitang makita e.."

"Tsk.. B-Bakit naman kasi s-sumali sali ka pa dyan e.." nakasimangot na sabi ko pa at natawa naman sya.

"Sayang naman kasi yung scholarship.."

"Y-Yung scholarship ba talaga??" nakangusong tanong ko pa.

"O sige, kung gusto mo---si Randall na lang, para magselos ka na naman at sa makalawa maglaslas ka na---na parang babae'ng iniwan ng jowa nya.. Hehe.."

Siraulo talaga.. Tsk!

"Tch.. Kahit kailan ka.." naisagot ko lang.

"Ang seryoso mo.."

"T-Taguro.." tawag ko sa kanya.

"Mmm?"

"M-Mahal mo talaga ako??" pigil ang ngiti munit kabado'ng tanong ko.

"Bakit mo naman naitanong??"

Buset!

"S-Syempre! G-Gusto kong makasiguro!"

"Tss! Kalalaki mong tao--ikaw pa naniniguro!?"

"Sagotin mo na lang!"

"Tss.. tapos kapag sinagot ko---bukas makalawa, mamatay matay ka na naman sa kaseselos kay Randall??"

"A-Ayaw mo bang nagseselos ako sa k-kanya??" napapahiyang tanong ko.

"Mmm.. Ang totoo, okay lang sakin na magselos ka.." mahinang sagot nya at napalunok na naman ako. "Ang ayaw ko.. ay yung ginagawa mo.. pagkatapos mong magselos.."

"S-Sorry na.." sa wakas nasabi ko.

"Tsk tsk.." ingit nya.

"G-Galit ka??"

"Sinong matutuwa??"

Nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya!

Dinig kong huminga sya ng malalim sa kabilang linya..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon