CHAPTER 114 : PALAWAN

6.7M 122K 423K
                                    

DEIB'S POV

Kitang kita ko sa mga mata ni Taguro'ng hindi nya talaga nagustohang makita ako ngayon dito!

Badtrip naman! Inaasahan ko pa naman e matutuwa sya kahit medyo mild lang! Tsk!

"A-Anong sabi mo?!" halatang nagpipigil ng galit na tanong nya at napaatras naman ako!

"T-Taguro naman.." kunwaring pagmamakaawa ko. "K-Kararating ko lang p-paalisin mo na ako!?"

"Wala akong pakialam!"

"Tsk! B-Bakit ba n-nagagalit ka?? S-Sorry na.." nakanguso pang dagdag ko.

"Sinong may sabing pumunta ka dito!?" galit talagang tanong nya! Seryosong seryoso masyado ang mukha nya at halos magdikit na ang mga kilay nya sa sobrang salubong ng mga iyon!

Kung sasabihin kong si Maxwell ang nagyaya sakin.. baka magalit sya?! Pero ayaw kong magsinungaling!

"Sinong nagsabi sayong pumunta ka dito!" malakas na ulit nya!

"G-Gusto ko lang pumunta.." pagsisinungaling ko dahil baka mas mapahamak ako kung isusuplong ko ang kapatid nya! "W-Wag ka naman ng magalit oh.."

"Pano mo nalaman ang number ko?!"

"B-Binigay ni M-Maxwell---"

"What!?"

"B-Binigay nya sakin kanina.."

"Tss!" malakas na singhal nya na kunwaring napailing pa! "Edi sya rin ang nagsabing pumunta ka dito!?"

Ang lakas naman ng pakiramdam nito!?

Hindi ako nakasagot!

"Kasi malakas ang pakiramdam nun at paniguradong alam nun m-may g-gusto ka sakin! Tss.. kaabnormalan nyo pareho.." mahinang bulong nya pa!

"H-Hoy anong abnormal! Ikaw ang abnormal! Pinuntahan ka na't lahat nagagalit ka pa!"

"Sinong hindi magagalit sayo!? Alam mo ba yung salitang privacy!?" galit na talagang tanong nya! "Alam mo bang invasion of privacy yung ginawa mo at bukod dun trespassing ka pa!"

"This is a subjective expectation of privacy!!!" malakas na namang sigaw nya!

Ano bang pinagsasasabi nya?!

"A-Ang OA mo naman! H-Hindi naman kita ginalaw ah! Nasukat mo ba kung ilang metro ang layo ng distansya ko sayo!? Tignan mo nga yang kama mo! California King Bed ang tawag dyan at mahigit 70 inches ang lapad nyan! Halos magkasya pa nga ang isang pamilya sa pagitan natin tapos kung makapagreact ka---akala mo naman hinawak-hawakan kita?! Wag ka ngang assuming! Tch!"

"H-Ha! Hanneeeppp.." parang naa-amaze pang sambit nya. "So, anong inaasahan mo!? Ang talunan ang kama ko sa sobrang tuwa dahil pagmulat ng mata ko yang pagmumukha mo unang nakita ko!? Baka gusto mong ihagis kita sa terrace ngayon?!" galit pa ring sigaw nya! "Sira ba talaga ulo mo?! Hindi ka makaintndi?! Kwarto ko ang pinasok mo at natutulog ako! Sinong matutuwa don!"

"B-Bakit?! A-Alam mo ba yung ginawa mo sakin ngayon lang!? Assault and battery yun!"

"Ha! E boplaks ka pala e! Self-defense yun!"

"Bakit?! May ginawa ba ako sayo ha!? Ginalaw ba kita?! Bakit ba kasi hindi ka na lang 'kiligin'!!!! Bat kailangang andami dami mo pang sinasabi!"

Hindi nya ako sinagot at sunud sunud huminga sya ng malalim na bahagya pang tumagilid at pinunasan ang bibig nya.. Nasa pagitan namin ang kama kaya naman ganon na lang kami kung magsigawan.. Munit nananatili akong nakaupo sa kama habang sya naman ay nakatayo mula sa kabilang side..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon