CHAPTER 101

5.9M 119K 257K
  • Dedicated kay Maxine Lat Calibuso
                                    

DEIB'S POV

Matapos ang usapang iyon ay natagpuan ko ang sariling nagdadrive papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako makakaratingin sa pagmamanehong ginagawa ko pero wala akong pakialam. Gusto kong magtuloy tuloy sa pagdadrive.

Kakaiba ang pakiramdam ko at hindi ko iyon maipaliwanag at kinakabahan ako sa katotohanang iyon. Hindi ito normal sa'kin at hindi ko pa kailanman ito naramdaman.

'Bakit ako nagkakaganito?'

Hindi ko nagustohan ang lahat nang narinig ko. May nagngingitngit sa kalooban ko at isa iyon sa mga gumugulo ngayon sa isip ko.

'Bakit kailangang maramdaman ko ito? Wala naman akong pakialam sa kaniya, 'di ba? Bakit ganito ang nararamdaman ko?'

Hindi ko alam kung paano ko masasagot ang sarili ko, nakakalito ang nararamdaman ko. Alam ko sa sarili kong alam na alam ko ito.

'Alam ko sa sarili kong alam na alam ko ito pero bakit hindi ko masabi? Bakit hindi ko masagot ang sarili ko kung bakit ko nararamdaman ito?'

Lalo kong binilisan ang pagmamaneho hanggang sa marating ko ang magandang hardin na kilala rin dito sa Laguna. Wala sa sariling pinasok ko iyon at saka ako naupo sa duyan na pinalilibutan ng halaman at nakaharap sa bundok.

Napakamaaliwalas ng lugar na iyon at napakasarap nang simoy ng hangin. Maraming matatanaw na tao ngunit isa man sa mga ito ay hindi maririnig ang mga sinasabi. Maaaring pare-pareho kaming gusto nang kapayapaan ng pag-iisip. Saglit ko pa silang pinagmasdan habang mga nakatanaw sila sa bundok, kung saan kahit malayo ay dinig mo ang malalakas na huni ng ibon. Isang grupo ng ibon ang paulit-ulit na lumilipad sa paligid niyon.

Pakiramdam ko kahit papaano ay gumaan ang kaninang mabigat na pakiramdam ko. Ngunit hindi pa rin nababawasan ang pagkalito sa isip ko.

'Bakit kailangang ikaw ang makapagparamdam sa 'kin ng ganito?'

Hindi ko talaga kayang sagotin ang sarili ko. Hindi ko maamin sa sarili ko kung ano ba ito dahil hindi ko rin matanggap. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko at nagagalit ako nang dahil doon.

'Bakit kailangang ganon ang maramdaman ko matapos niyang sabihin na hindi niya ako gusto? Bakit, Deib, bakit?'

Nagagalit ako at gusto kong magwala. Hanggang ngayon ay malinaw sa isip ko iyong itsura niya habang sinasabi niya kay Kim iyon.

'Wala nga akong gusto sa kaniya!'

'Wala nga akong gusto sa kaniya!'

'Wala nga akong gusto sa kaniya!'

Muling nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon. Napapikit ako sa inis habang nakakuyumos ang dalawang kamao. Pilit kong nilalabanan ang namumuong galit sa dibdib ko dahil kung hindi ay maaaring maging dahilan iyon upang magwala ako rito mismo.

'Tch! Damn it! Kung ganoon ang nararamdaman niya bakit kailangang ganito ang maging epekto sa 'kin? Hindi ko maintindihan! Nalilito ako at gusto kong magalit! Kailan pa nagsimula ito? Bakit ikaw pa?'

Napahilamos ako sa mukha ko. "Bakit ikaw pa, Taguro?" Bulong ko at saka nanlulumong pinagmasdan ang mga ibong malayang nagsisiliparan. "Hindi ko matanggap. Hindi ko maamin."

Masiyadong mahirap para sa 'kin na tanggapin dahil ako mismo ay di maipaliwanag kung bakit, paano at kailan?

'Kaya ba talaga hindi ako nasaktan sa ginawa ni Kim--dahil ikaw na ang gusto ko at hindi na siya? Damn it, Taguro. Pinasasakit mo ang ulo ko.'

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon