CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY

6.1M 104K 369K
                                    

DEIB'S POV

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ngayon lang..

Ang tinawag na Nanay ni Gonza.. ay ang tinuro ni Taguro na Nanay nya?! Ibig sabihin... magkapatid nga sila?!

Dahan dahan pa rin akong napatingin kay Taguro at nangingilid na ang mga luha sa mga mata nya..

"T-Taguro.." tawag ko sa kanya napakurap naman sya at tumungo. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..

Pero gusto kong maramdaman nyang nandito lang ako..

Nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan sya..

Bakit ganon? Hindi naman kami iisa pero.. bakit parang nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman nya???

Taguro.. h-hindi ko kayang makitang lumuluha ang puso ko.. Parang awa mo na, wag kang iiyak..

Gusto ko syang yakapin pero hindi ko alam kung mapapagaan non ang loob nya..

Kahit hindi pa tumutulo ang mga luha nya, alam kong kapag tumulo yun ay hindi yun hihinto pa..

"K-Kung kailangan mo ko.. n-nandito lang ako.. Taguro..." mahinang usal ko.

Pero nanatili syang nakatingin kila Gonza at Heurt..

Pano ba ako mamahalin nito kung hindi ko man lang sya mapasaya! Parati na lang lungkot ang nararamdaman nya kapag ako ang kasama nya! Badtrip!

Taguro.. Gusto kitang pasayahin.. pero parang ang hirap hirap!

Hindi ko matagalang titigan sya..

Nakakadurog ng puso ang pagmasdan ka kapag nalulungkot ka, Taguro..

Kung mararamdaman mo lang sana ang nararamdaman ko..

Bakas na bakas ang saya sa mukha ni Heurt habang kausap si Kev na panay ang kwento sa kanya..

Kitang kita sa kanilang...

Masaya sila..

Lalo akong nakaramdam ng awa kay Taguro dahil imposibleng hindi nya nakikita ang nakikita ko sa kanila..

"Tara..."

Gulat akong nilingon sya nung bigla syang magsalita ng mahina..

"H-Ha??" tanong ko pa. Pero hindi nya na ako sinagot at naglakad na sya ng bahagya papalapit sa motor nya at sumunod naman ako. "S-San ang punta natin??"

"Kung san umabot ang gas ko.."

Hindi ko na sya kinontra pa at sumakay na lang ako.

Inabot nya sakin yung helmet at mabilis ko namang isinuot yun at kumapit muli sa bandang likuran ng motor nya pero..

~BRRRRRROOOMM!!~

~EEEEEENNNNNGGGG!!!!~

~BEEEPP!!!! BEEEPP!!!~

"T-Taguro k-konting bagal naman oh.." pakiusap ko pero parang wala syang narinig!

Hindi na ako nagpumilit pa at hindi na rin ako yumakap pa sa kanya dahil ayaw ko namang may maisip syang masama lalo na at alam kong hindi sya okay..

Mabilis nya pa ring pinaandar ang motor nya ilang minuto pa..

Gulat akong naigala ang paningin ko nung makita kong papasok kami sa village nila..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon