CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA

4.8M 98.7K 321K
                                    

DEIB'S POV

Habang yakap yakap ko si Taguro..

Parang may tumutunog na violin sa tenga ko at may mga paru-paro sa loob ng katawan ko..

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at sa tingin ko nararamdaman rin nya yun..

Ilang segundo ko pang ninamnam ang pagkakayakap sa kanya..

At ako na ang kusang naglayo sa katawan nya.

Nakangiti akong pinagmasdan ang kabuuan ng mukha nya..

"You're so beautiful.." namamanghang usal ko. "Para sa iilang segundo.. pakiramdam ko nayakap ko ang buong mundo.." mahinang dagdag ko pa.

Hindi sya nagsalita..

Nakatingin lang sya sakin na parang pinag-aaralan ang mukha ko.

"Tama na muna yan.. kapag sinagot mo ko, hinding hindi na kita pakakawalan hehehe.."

"Magpahinga kana.." sabi nya matapos bumuntong-hininga.

"Pano ba ako matutulog?? Para akong nakalutang hehehehe.."

"Kailangan mong magpahinga.."

"Pero mas kailangan kita.." usal ko at sumeryoso naman sya.

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin at parang pareho kaming naiwang nag-iisip..

Sumusobra na ba ako sa mga sinasabi ko??

Masyado na bang makapal ang mukha ko?

Tsk.. Bakit ba kasi hindi mo mapigilan ang sarili mo, Deib!? Sa isang simpleng yakap.. pwede mong mabastos ang isang babae! Badtrip naman!

Napatingin ako sa kanya pero wala naman akong makitang senyales na nabastos sya sa ginawa ko at hindi ko rin naman makitang nagagalit sya..

E bakit ang tahimik nya!?

Parati na lang akong pinag-iisip ng babae'ng 'to! Tsk!

Tinignan ko sya habang seryosong nakatingin sa kung saan..

"T-Taguro.." usal ko at tumingin sya sakin. "A-Anong iniisip mo??"

"Hanggang ngayon.. tinatanong ko ang sarili ko.. Bakit ako??" tanong nya na nakatingin sa sarili nyang kamay. "Sa dami ng babae sa paligid mo.. bakit ako??"

"Hindi ko maintindihan kung bakit.. twing maiisip kong hindi ko kayang pantayan yung nararamdaman mo.. kinakabahan ako.." dagdag nya pa. "Hindi ko alam kung bakit naiisip ko pa lang na masasaktan kita.. natatakot nako.." sabi nya pa rin habang nakatungo.

Ang sarap pakinggan ng sinabi nya..

"Maxpein.." tawag ko sa kanya at nagkatinginan kami. "If you want me.. please let me know.."

Hindi sya sumagot at nagtama lang ang paningin namin..

Dahan dahan syang tumayo at saka hinawakan ako sa siko..

"I'll see you tomorrow.." mahinang usal nya at saka tumayo at naglakad palabas.

Napatungo ako at pinakiramdaman ko ang sarili ko..

Masyado akong nalilito..

Hindi ko maintindihan kung sino bang paniniwalaan ko!

Hindi tugma ang sinasabi ng puso't isip ko.. Masyado silang magkasalungat kaya naman kinakabahan ako.. Matinding kinukontra ng isip ko ang nararamdaman ko..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon