CHAPTER 162

2.6M 66.2K 93.4K
                                    

TOB'S POV

Nasa kalagitnaan kami ng discussion nung bigla'ng pumasok si Deib.

"Oh, Mister Enrile?" gulat pa'ng bati ni Sir sa kaniya.

Tinanguan lang siya ni Deib at saka nakayuko'ng naglakad papunta sa upuan niya.

Halos ang lahat ay nagulat sa pagdating nila.

Ilang buwan siya'ng hindi pumasok.. tapos ngayon ay bigla siya'ng papasok at ganiyan pa ang itsura niya?

Bakas ang lamya sa kilos niya.

Bagsak ang katawan at mugto ang mga mata.

Hindi naalis ang paningin ng halos lahat sa kaniya hanggang sa tuluyan siya'ng maupo sa upuan niya. Tumitig lang siya sa table niya at habang magkahawak ang kamay. Napalingon ako kay Sir Gabrido at ultimo'ng siya ay bakas ang magkahalo'ng gulat at awa na nararamdaman kay Deib.

Sa dumaa'ng buwan na wala sila Max at Deib ay naging maingay pa rin ang pangalan nila. Simula sa gulo'ng nangyari sa pagitan namin nila Choco hanggang sa pag-alis ni Max at pagkukulong ni Deib ay alam na alam nila. Nababasa sa mga blogs ng mga blogger na students ang tungkol sa nangyari samin, lalo'ng lalo na yung kila Maxpein at Deib.

Bulungan dito, tsismisan d'yan at kung anu-ano pa'ng may kinalaman sa kanila ang naririnig ko.

"A-Are you okay, Mister Enrile?" pormal na tanong ni Sir Gabrido sa kaniya at inosente nama'ng iniangat ni Deib ang paningin niya dito.

"Y-Yes, Sir. Sorry, I'm late." sagot ni Deib sa magalang na tono.

"You've been absent for months, are you sure you can cope up with the topics? Please don't get me wrong." malumanay ang tono'ng dagdag pa ni Sir at pilit na ngiti naman ang isinukli sa kaniya ni Deib. "But if you some help with the topics, I can help you."

"Thank you, Sir."

"Can we continue?" nakangiti'ng tanong pa ni Sir.

"Go on, Sir." tipid na sagot ni Deib at saka tumulala sa white board.

Nagsimula na muli magdiscuss si Sir pero hindi ko magawa'ng ibalik sa kaniya ang paningin ko. Napako ang tingin ko sa blangko'ng emosyon ni Deib.

Hanggang sa matapos ang pang-umaga'ng subjects ay nanatili'ng ganon ang itsura ni Deib. Kaya naman nung maglunch break ay agad ako'ng lumapit kay Lee.

LUNCH BREAK.

"Lee.." bulong ko pa sa kaniya at nilingon niya naman ako. "M-May napapansin ka kay Deib?"

"Bakit?"

"H-Hindi mo napapansin ang pananahimik niya?" pabulong pa'ng tanong ko.

"Pwede ba naman siya'ng mag-ingay sa loob ng klase? Tsh! Alis nga d'yan." sagot niya na tinabig pa 'ko at lumapit kay Deib saka umakbay dito. "Namiss kita!" nakangiti'ng dagdag niya pa.

"Hup, Lee.." matamlay na bati naman ni Deib sa kaniya.

Hup, Lee..?? Ano'ng pauso 'yun?

"Buti naman, pumasok ka na?" tanong ni Lee.

"Oo nga, Deib??" sabat ko.

"Namiss ko kayo." sagot ni Deib at saka isinabit sa likod ang bag niya. "Tara, hindi ako nakakain sa bahay e." yaya niya at saka nagpaumuna'ng maglakad.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon