CHAPTER 156

2.6M 70.1K 79.6K
                                    

RANDALL'S POV

"Ako po ang saktan niyo dahil ako ang may kasalanan.." sabat ko matapos saktan ni Chairman Enrile si Dein! "Ako na lang po, Chairman---"

"Magtigil ka!" sigaw ni Chairman dahilan para lalo ako'ng mapayuko!

Gusto kong tumayo upang tulungan si Dein munit sadya'ng napakahina ng mga tuhod ko!

Umiiyak na siya at wala ako'ng magawa man lang para sa kaniya!

"K-Kung maaari ay huwag natin pag-usapan dito ang mga bagay na ito.. m-marami masiyado ang nakaririnig sa atin dito.." sabat ni Chairman Moon dahilan para maagaw niya ang atensyon. "Sa tingin ko ay mas makabubuti'ng pag-usapan ninyo 'yan sa inyo'ng mga kwarto." dagdag pa ni Chairman Moon at saka tinalikuran kami.

Mabilis namang sumunod sina Mokz, Maze at Maxrill kay Chairman Moon. Si Heurt naman ay lumapit kay Maxpein.

Nagulat naman ako nung bigla'ng gumalaw ang wheelchair ko at doon ako napatingala kay Mommy.

Galit na rin siya.

At ang sumunod na nangyari ay nasa kwarto na kami.

Bakas na bakas ang galit sa mukha ni Chairman Enrile habang nakatingin pa rin kay Dein! Nakaalalay naman si Deib sa Ate niya! Bukod sa kanila ay kami'ng dalawa lang ni Mommy ang nasa kwarto ko ngayon.

"Buntis ka?!" pag-uulit ni Chairman sa umiiyak na talaga'ng si Dein! "Kailan pa!?"

"M-Mahigit i-isa'ng buwan na po, C-Chairman.." nanginginig ang boses na sagot ni Dein at napayuko agad ako!

K-Kahit ako ay 'di ko alam ang bagay na 'to.. A-At ng dahil sa nangyari at mga pangyayari pa ay h-hindi ko na nagawa'ng kausapin pa si Dein t-tungkol dito d-dahil nawala sa isip ko! A-Ano'ng klase'ng boyfriend ako!? Tsk!

"N-Nakakapag-isip ka pa ba ng tama, Dein Leigh?!!" galit pari'ng sigaw ni Chairman sa kaniya! "A-Anong pumasok sa kukote mo't hinayaan mo'ng mabuntis ka!" gigil pa'ng sigaw nito at saka napahawak sa batok!

"C-Chairman.." nag-aalala'ng alalay ni Dein pero mabilis siya'ng pinigilan ni Chairman!

"Huwag mo 'kong mahawak-hawakan, Dein Leigh!" banta pa ni Chairman dito!

"S-Sorry po, Chairman.."

"Disgrasyada!" sigaw ni Chairman sa kaniya at hindi siya nakasagot! "Saan kami nagkulang?! Ha? Sabihin mo sa akin ngayon---saan kami nagkulang!"

"W-Wala po, Chairman.." humahagulgol na sagot ni Dein.

"Sa kabila ng mga habilin ko ay ito ang isusukli mo?? S-Sabihin mo sa akin, Dein Leigh, b-bakit??" pigil ang galit na tanong ni Chairman. Bakas ang pagpipigil ng galit sa mukha niya! Nanginginig ang bagang at ang kamay niya'ng nakaturo kay Dein! "B-Bakit ganito ang isusukli mo sa mga magaganda'ng pangarap namin para sa iyo?!"

"H-Hindi ko po sinasadya, Chairman---"

"Sana naisip mo ang mga pwedeng kapalit ng panandaliang kaligayahan ninyo!"

Walang nakasagot!

"Ibinibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan ninyo at ang kapalit na hinihingi lamang namin ay ang makapagtapos kayo ng pag-aaral at magkaroon ng magaganda'ng buhay na para rin naman sa inyo pero bakit ganito ang ibinibigay ninyo'ng kapalit sa amin! Matapos ay aasta kayo na parang kayo pa parati ang tama?!"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon