CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO

5.9M 115K 438K
                                    

DEIB'S POV

"S-Sigurado ka??? Sya lang mag-isa laban sa ating lahat?!" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay Parrot!

"Oo!" siguradong sagot naman ni Parrot! "Ganon sya kayabang!"

"Tch! M-Madadaan ba naman sa yabang ang basketball??" inis na tanong ko!

"Psh! Walang imposible sa yabang ng isang del Valle! Ano ka ba! Trust me? Or stop me?!"

"W-What??" tanong ko.

"Hoy.. ano bang sinasabi mo dyan?!" parang lalaking tanong ni Taguro kay Parrot!

"B-Bakit?!" takang tanong naman ni Parrot pabalik sa kanya.

"Ako, laban sa inyong lahat?! E kung ipalunok ko sayo 'tong bola? Tss.."

Salubong ang kilay ni Taguro at parang diring diri sya sa ginagawa nya! Ayun na naman yung maangas na dating nya! Sa madaling salita.. parang lalaki talaga!

"E-Ehh di ba y-yun ang sabi mo kanina??" napapahiyang bulong ni Parrot sa kanya.

"Tss.." singhal ni Taguro. "Pano pa ko iiskor kung lahat kayo kalaban ko? Engot.. dito ka sakin!"

"S-Sige.." nakangusong sagot ni Parrot at saka naman tumingin sakin si Taguro.

"Si Tob ang iksorer.."

"Ano!?" gulat na tanong ko.

"Si Tob ang iksorer.."

Nakakainis yung ugali nyang ganyan! Uulitin yung sinabi nya!

"Kung magsasama kayong tatlo, papagurin ko lang sarili ko sa inyo, dahil hindi kami mananalo.." seryoso pang sabi nya. "Woi.. Jumpball.." sigaw nya kay Tob at saka ibinato ang bola na nasalo naman agad nito!

"Sino??" tanong ni Tob.

"Si Lee at si Naih.." sagot ni Taguro.

Gulat na napatingin si Lee at Parrot kay Taguro pero nanatiling blangko ang mukha nya!

Ano bang ginagawa nya?!

Nakita nya ng mas matangkad si Lee kay Parrot! Engot!

"Kaming dalawa lang ni Sensui ang pwedeng umiskor.. tagapasa at taga-agaw lang kayong dalawa.." sabi nya pa na itinuro si Parrot at Lee!

"A-Ano?!" di makapaniwalang tanong ko.

"Tayong dalawa lang ang pwedeing umis---"

"Narinig ko!" inis na sigaw ko sa kanya!

"Tss.."

"Ang ibig kong sabihin----bakit ganon! Bakit!"

"Edi sana rin.. 'bakit' ang tinanong mo! Hindi yung pasigaw sigaw ka pa ng 'ano'! Pektusan kita dyan e.."

Andwae!

Hindi ko sya maintindihan ngayon!

Ako yung hindi pumapansin sa kanya simula pa kahapon pero ngayon parang mas mainit pa sakin ang ulo nya!

Anong nangyari dito sa bwisit na hambog na 'to?!

Tinalikuran nya ako at maangas na humarap kay Lee at Parrot!

"Kaya mo yan.." sabi pa ni Taguro kay Parrot at eksaktong pumito naman si Tob!

~PRRRRRRRIIIIIIIIITTT!!!!!~

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon