CHAPTER 98

6.2M 112K 307K
                                    

MAX'S POV

"Oh, heto na pala si Maxwell, eh." ani Naih at napalingon naman kami sa gawing tinitingnan niya. "Akala ko ba ay kasama niya sina Mokz at Maxrill?"

Nilingon ko si Maxwell at salubong na salubong ang mga kilay niya kaya medyo nagtaka ako. Agad siyang naupo sa tabi ko at pilit na ngumiti. Pinagmasdan ko pa muna siya.

'Ano naman kaya ang nangyari rito?'

"Gutom na ba kayo? Sandali, order muna ako," ani Maxwell.

"Are you okay?" bulong ko at bahagya siyang natigilan tsaka pilit uling ngumiti bago tumango. "Nasaan sina Mokz?"

"They're coming," tugon niya tsaka tumayo at dumeretso sa line para um-order, sinamahan naman siya nung dalawang bakla.

"Ano naman kaya ang nangyari r'on?" tanong ni Naih habang nakatanaw kay Maxwell, kilala niya rin ang mga kilos nito kaya paniguradong ipinagtataka niya rin ang itsura nito. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya bilang tugon. "Ang weird, sanay akong seryoso siya pero hindi siya mukhang basta basta seryoso ngayon, mukha siyang galit! Psh! Pansin mo?"

"Mm," tipid na tugon ko sabay tanaw rin kay Maxwell, madalang ko rin makita si Maxwell na ganiyan ang reaksyon kaya medyo nagtaka ako. Alam kong may nangyari at ginugulo niyon ang isip niya.

"Oh, si Sensui, oh," ani Naih at hindi naman ako lumingon sa gawi ng entrance. Umugong agad ang sigawan ng mga babae kaya nasisiguro kong siya nga ang bagong dating. "Hala! Mukhang galit din! Hahaha! Ano ba ang meron sa dapit-hapon at mukhang galit ang mga tao ngayon?" biro niya pa.

Natanaw ko na lang si Sensui nang maupo na ito sa mesa nila ng mga kaibigan niya.

Umugong naman ang ingay ng mga babae at isinisigaw naman ay ang pangalan ng kapatid ko.

"KYAAAAAAAH! MAXRILL!"

"ANG GWAPO MO, MAXRILL!"

"PLEASE, MARRY ME!"

"Ha ha ha ha ha ha!" agad na nangibabaw ang napakalakas na tawa ni Mokz mula sa malayo kaya bahagya akong napabuntong-hininga. Nakangiti namang tumanaw si Naih sa kanila. "Good afternoon, geniuses! Good afternoon! Ha ha ha ha ha!" malakas pang bati niya sa paraan na animong nangangandidato.

"Ang lakas talaga ng sapak ni Mokz, 'no?" natatawang biro pa ni Naih at napailing na lang ako.

"Annyeong!" bigay na bigay pang bati ni Maxrill matapos maupo sa tabi ko. Naka-peace sign pa ito at hindi na halos makita ang mga mata sa sobrang pagkakangiti.

"Ha ha ha ha! I like it here," ani Mokz na nakangiti pa ring nakamasid sa mga estudyanteng nakatingin sa'min. "All of the geniuses are greeting me, very nice," dagdag niya tsaka lumingon sa'kin. "Where is your brother?" patungkol niya kay Maxwell at inginuso ko naman ito, bahagya pa itong nagtaka nang makitang um-o-order ito mag-isa. "There is no servant?"

"Kani-kaniyang kilos dito, Mokz," natatawang tugon ni Naih.

Napanganga si Mokz tsaka tumango. "I'm waiting for Chairman Enrile to arrive. Aissh, he's late," inis pang anas niya.

"Lolo ni Deib 'yun, 'di ba?" inosenteng tanong pa sa'kin ni Naih.

"Deib Enrile, hmm, nice name," tatangu-tangong ani Mokz habang may nanunuksong tingin sa'kin. "He's interesting and he's your friend, right?"

"Hahaha! He's a very close friend," mariing biro pa ni Naih. Hindi naman na nagawang sumagot pa ni Mokz dahil dumating na si Maxwell. "Kainan na!"maingay pang dagdag ni Naih.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon