CHAPTER 135

3.4M 79.6K 161K
                                    

MAX'S POV

Hindi ako kailanman natuwa sa sobrang higpit ng yakap nya..

Pero ngayon..

Mahigpit na mahigpit na pero parang kulang pa..

Kung pwede ko lang sana sabihin sa kanyang mas higpitan nya pa ang yakap nya..

Pakiramdam ko ay nabura nang yakap na yun ang lahat ng isipin ko sa buong magdamag..

Pakiramdam ko ay wala akong problema dahil bihag ako ng mahigpit na yakap nya..

Ilang beses na rin akong niyakap noon..

Pero kakaiba sa pakiramdam ang yakap nya..

Amoy na amoy ko ang pabangong nagmumula sa damit nya at ramdam na ramdam ko sa balat ko ang balat nya..

"Mahal na mahal na kita, Taguro.." animong humihikbing usal nya. "At dahil mahal kita, naiintindihan ko lahat ng sinabi mo.." mahinang dagdag nya pa dahilan para kusa akong mapangiti habang dahan dahang yumayakap rin sa kanya. Ramdam ko ang sinseridad sa lahat ng sinasabi nya. Ultimong bilis ng tibok ng puso nya ay ramdam na ramdam ko sa dibdib ko. "Pero isang lapit mo pa sa kanya.. malaya ka na."

Parang huminto ang tibok ng puso ko..

Pero isang lapit mo pa sa kanya.. 'malaya ka na.

Pero isang lapit mo pa sa kanya.. 'malaya ka na.

Dahan dahan kong naibagsak ang dalawang kamay ko dahilan para kusa syang umalis sa pagkakayakap sakin..

Nananatiling nasa dibdib nya ang paningin ko at ramdam ko ang panlulumo sa buong pagkatao ko..

Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko at hindi ko na marinig ang tibok ng puso ko..

Nung magawa kong lumunok ay saka ko lang naikurap ang mga mata ko..

Ibinaling ko pa sa kanan ko ang ulo ko bago dahan dahang iniiangat sa kanya ang paningin ko't nagtama ang mga mata namin..

Gusto ko syang tanongin..

Bakit???

Gusto kong malaman ang laman ng puso't isip nya pero.. parang ibang Sensui ang nasa harap ko ngayon..

Kitang kita ko ang halu-halong emosyon sa mga mata nya na sinasabayan naman ng blangkong mukha nya..

At pakiramdam ko, hindi ang dating expressive na Sensui ang nasa harap ko..

Nung maramdaman ko ang nagbabadyang pamamasa ng mga mata ko ay bahagya akong yumuko at iniiwas ang paningin ko sa kanya bago magsalita..

"H-Hindi ko maintindihan.." mahinang sabi ko. "P-Pero tulad ng sinabi mo.. i-iintindihin ko rin ang n-nararamdaman mo.." kunwaring ngumiti pa ko. "Kasi alam kong.. kahit isang milyong beses akong humingi ng sorry ngayon sa harap mo.. h-hindi mababago nun ang nararamdaman mo.." at saka ako muling tumingin sa mga mata nya. "P-Pumasok ka na sa loob.. late na, magpahinga ka na.." mariing utos ko sa kanya kasabay ng pagpipigil ng emosyon ko.

"Ingat ka pauwi.." malamig na sagot nya at saka muling lumapit sakin at hinalikan ako sa noo..

Naipikit ko pa ang mga mata ko habang ginagawa nya yun at muli na lamang iminulat ang mga yun nung dahan dahan syang lumayo, at saka walang lingon lingong naglakad papasok.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sa loob ng bahay at nung tuluyan syang mawala sa paningin ko ay saka ako napahawak sa motor ko at inilabas ang panghihina ko.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon