CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks

3.5M 87.9K 168K
                                    

MAX'S POV

Hindi ko inaasahang sa isang tira ko ay maihuhulog ko ang nuebe.. Kadikit ko pa rin pala talaga ang swerte..

Pagkatapos na pagkatapos ng laban ay halos hindi magkamayaw ang mga tao..

Kakatalon..

Kakasigaw..

Kakapalakpak..

Kakahiyaw..

Kakakaway..

Kakakampay..

Aaminin kong hindi maganda ang kundisyon ng pag-iisip ko ngayon at hindi ko maintindihan ang emosyon ko..

Pakiramdam ko ay hindi ako maiintindihan ng mundong kinatatayuan ko ngayon..

Malungkot..

Masakit..

Napakaraming tanong ang nabubuo sa isip ko at alam kong sinuman ang lumapit sakin ngayon ay hindi makakatulong para masagot yon..

Naalala ko lahat ng sinabi ni Maxwell kagabi..

Lalo mo lang ginulo ang isip ko..

Namuo ang mga luha sa mga mata ko pero agad ko rin namang pinawi iyon..

Naagaw ang atensyon ko ng papalapit na saking si Naih..

Ang matalik kong kaibigang hindi saulo ang bawat liko ng bituka ko..

"Maxpein!" malakas pang sigaw nya. Pilit ang ngiting iginanti ko naman sa kanya. "Oh my God! Oh my God! Oh my gosh! Nakakaloka ka! Isang tira---Champion na!" masayang sigaw nya pa at saka biglang yumakap sakin!

"Huk!"

"Hindi mo alam kung gano mo ko napasayaaaaaaaaa!!!" mangiyak ngiyak na sigaw nya pa. "Huhuhuhu nakakainis ka! Yung patahi-tahimik mong yan hindi ko alam na may plano ka na palang mag-Champion talaga!!! Nakakaloka ka!!! Huhuhuhu.. Congrats sating dalawa huhuhuhu! Lalong lalo na sayo! Leche ka! Dagdag yabang na naman tuloy yan huhuhuhu!!!"

"Tss.. ang OA OA mo talaga.." pilit ang tawang sabi ko pa at kumalas naman sya sa pagkakayakap sakin at saka inis na tumingin sakin at ngumuso.

"Tse! Nakakainis ka! Huhuhuhu anggaling galing mo! Hindi mo man lang ako tiniran ng pwesto para may maipagyabang man lang ako!"

"Maganda ka di ba? Edi yan ang ipagyabang mo.. Tss.." sabi ko pa at saka natatawang tinalikuran sya at kinuha ang tako at case ko.

"C-Congrats.." biglang may nagsalita mula sa likuran.

Muli naman akong lumingon para tignan yun..

Si SAMANTHA.. at yung ka-double nya.

"Mmm.. Thank you.." pormal na sagot ko.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na kita matalo ngayon, Maxpein.." pilit ang ngiting sabi nya pa.

"Matatalo mo ko.. kung isasantabi mo ang pagyayabang mo.." mayabang na sabi ko. "Gaya ng sakripisyo kong isantabi ang yabang ko kapag ikaw ang kalaban ko.."

"Psh! Wala talaga akong gawa sa yabang mo!" nangingiting sabi nya pa. "Oh well.. tapos na ang laban.. Wala ng dahilan para hindi tayo magkasundo.. Haaaayyss.." huminga pa sya ng malalim habang nakangiti. "Masaya akong nakalaban ulit kita ng tunay na laban..."

"Mmm.. masaya rin akong nakalaro ulit kita.." nakangiting sabi ko pa.

"Oh e ang lagay e---kayo lang ang naglaban?!" biglang sarkastikong sabat ni Naih at nilingon naman namin sya.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon