CHAPTER 134

2.9M 76.7K 115K
                                    

RANDALL'S POV

Napalingon ako sa pinto nung marinig ko ang door bell..

Maxpein..

Muling umulit ito pero nanatili akong nakatingin doon habang nakahiga sa sofa..

Napabuntong-hininga ako..

Ayaw kong sisihin mo ang sarili mo kung bakit ako nagkaganito, Pein..

Napalingon ako sa side table nung biglang magring ang cellphone ko..

Kinuha ko yun at saka sinagot..

"Open the door.." biglang usal nya.

"P-Pein.."

"I said.. open the door.."

Napabuntong-hininga ako at saka tumingin sa wall clock.

4:00pm..

"W-Wala ka bang klase?" tanong ko.

"Open the door.." pagdidiin nya.

"Go back to your class---"

"Bubuksan mo, o papasukin kita dyan?!"

Tsk..

Napailing naman ako sa diin ng pagkakasabi nya non..

"W-Wait.." mahinang sabi ko at saka ibinaba ang line.

Napabuntong-hininga pa akong muli nung iangat ko ang paningin ko sa pinto..

Dahan dahan akong tumayo at saka iika-ikang lumapit sa pinto, tumagilid ako para hindi nya makita ang kabuuan ng mukha ko.. Nananatiling sarado ang door chain kaya naman kakakarampot na siwang lang nang pagkakabukas ng pinto'ng yun.

"Go back to school, Pein.." utos ko pa habang nakatingin sa malayo, sinadya kong hindi tumingin sa kanya kahit na kitang kita ko sa tagiliran ng paningin ko ang talas ng tingin nya.

"Let me in.."

"Tsk.. Ano bang ginagawa mo dito?" pigil ang inis na tanong ko.

"Buksan mo 'to.." utos nya pa na bahagyang sinipa ang ibabang parte ng pinto.

Napapikit ako sa inis saka muling huminga ng malalim at walang lingon lingon inalis ang chain sa pintong yun at iika ikang bumalik sa sofa at nahiga don!

Isinara at ini-lock nya ang pinto at naramdaman ko ang mabilis na paglapit nya sakin!

Nagtalukbong ako ng kumot at saka pumikit..

"Anong nangyari sayo?" malumanay tanong nya munit hindi ako sumagot. "Randall, anong nangyari sayo??" pag-uulit nya pa at bumuntong-hininga naman ako.

"Bumalik ka na sa klase mo.."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sakin kung anong nangyari sayo.. Anong nangyari sayo?"

"Just go back---"

"Tell me what happened.."

"At anong gagawin mo?" malumanay na tanong ko. Sya naman ang hindi nakasagot. "Pupuntahan mo sila at gagantihan? Tapos anong sunod na mangyayari?? Mananahimik sila ng ilang araw tapos babalik sila para ikaw naman ang resbakan---Maxpein, stop it!" hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw!

At nagulat na lang ako nung hablutin nya ang kumot sakin dahilan para tumambad sa kanya ang kabuuan ng mukha ko!

Napailing ako at naiiwas sa kanya ang paningin ko!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon