CHAPTER 148

3.6M 86.7K 125K
                                    

RANDALL'S POV

"Ano?! Ayos ka lang ba?!" inis na tanong sakin ni Coach habang nakatingin sa putok na labi ko.

"A-Ayos lang, Coach.

"Why did you do that??" pigil ang galit na tanong sakin ni Coach.

Nasa dulo kami ng hallway papunta sa Hotel Room namin.

Magkaharap kami at kitang kita sa mga kilos naming kinukompronta nya ako kaya naman nililingon pa kami ng ibang tao'ng dumadaan doon. Bagaman tama lang ang lakas ng boses nya ay ramdam mo pa rin ang diin. Ramdam kong galit sya at hindi sya makapaniwala sa nangyari. Nanatili naman akong nakayuko at hindi makatingin sa mga mata nya sa sobrang pagkapahiya.

Hindi ako nakasagot!

"Nakita kayo ni Miss Reycie.." dagdag pa ni Coach at napatingin ako sa kanya. "Hinatid ni Miss Reycie si Deib sa kwarto nyo, pero ang sabi ni Miss Reycie ay sabay sila ni Deib na nakitang hahalikan mo si Maxpein?! Ano ka ba naman?!"

"C-Coach.."

"Randall.." pilit pinapahinahon ang sariling tawag nya sakin. "Maniwala ka sakin, naiintindihan kong mag-ex kayo at meron kayong mabuting ugnayan na kayo lang ang nagkakaintindihan pero.. konting respeto naman sana sa mga kasama mo?? Nandito tayo, dahil sa Sportsfest! Hindi para unahin mo yang nararamdaman mo!"

"H-Hindi ko naman sya nahalikan, Coach---"

"Hindi---pero hahalikan mo?!" galit na tanong nya at napayuko naman ako!

Hindi lalo ako nakasagot sa kanya!

"Kahit saang anggulo natin tignan ay ikaw ang mali! Kwarto ng mga babae ang pinasok mo, Echavez!" napapahawak pa sa noo'ng mahinang sigaw nya sakin kaya napailing pa ako. "Pinasok mo na ang kwarto, dinikitan mo pa.. Alam mo namang natutulog yung tao--niyukuan mo pa?!"

"G-Gising sya, Coach.."

"Kahit pa! Alam mo naman siguro'ng girlfriend ni Enrile si Del Valle?!" dagdag tanong nya at tumango naman ako. "Kaya ganyan ang inabot mo.." sabi nya pa na itinuro ang sugat sa labi ko. "Sumama ka sakin, gamotin natin yang sugat mo.."

"H-Hindi na, Coach.. M-May dala akong kit.." mahinang tugon ko.

"Doktor ka nga pala, ano?" tanong nya pa at hindi na ako sumagot. "Sige.. gamotin mo ang sarili mo.. Pero, eto.. Seryosong usapan.. 'huwag' ka nang papasok sa loob ng kwarto ni Maxpein---malinaw?!"

"Y-Yes, Coach.."

"Sige na.. Go back to your room, tatawagan ko pa ang driver natin.." salubong pa rin ang kilay na sabi nya.

Kaya naman nakayuko pa ring naglakad ako pabalik sa room namin.

Nasa living area sila Sam at Miss Reycie pagpasok ko.

Nagkatinginan kaming tatlo pero hindi ko na sila pinansin pa.

Dumeretso ako sa kwarto ko at saka doon inayos ang sarili ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo..

Tsk.. May bangas na naman ang mukha ko!

Napakalakas ng suntok ni Deib at nahilo talaga ako kaya naman hindi pa ako nakakatayo ay nasapak na naman nya ako!

Kitang kita ko ang galit sa mukha nya at ngayon..

Kinakabahan ako..

Pero hindi dahil sa baka banatan nya na naman ako..

Natatakot akong baka makarating kay Dein ang nangyari'ng 'to.. H-Hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon