CHAPTER 136

3.7M 85.7K 152K
                                    

DEIB'S POV

Kitang kita ko na kung paanong mailang sakin si Taguro!

Hehehehehehe..

Nakikita ko sa kanya ang sarili ko noon!

Hahahahahaha!!

Nung hindi ko pa maaming may gusto ako sa kanya!

Bwaahahhahahaha!!!!

Ang sarap pala sa pakiramdam hahahahaha..

Nawala ang kaba sa dibdib ko..

Kanina, habang tinatanong sya nung Lec nila ay hindi man lang bumagal ang tibok ng puso ko!

Kinabahan ako sa tanong ni Miss!

Pero hindi ko akalaing ganito ang magiging epekto sakin nung sagot nya..

Alam ko, hindi naman patungkol sa akin ang isinagot nya..

Para nga sakin ay patungkol pa rin yun sa nakaraan nya..

Pero dahil sa sinabi nya..

Ngayon, sigurado na akong naka-move on na sya! Hahahaahaha!!!! At wala ng mas sasaya pa don sa ngayon!

Nakangiti akong sinulyapan sya sa side mirror ng kotse ko.. Kasalukuyan na kaming papunta sa Mall nila Tob para sa aming SOLO DATE! Kanina ay simula nung umalis kami sa room nila, hanggang sa makarating sa locker.. Maglakad papuntang Parking Lot.. at magpahanggang sa ngayon---HINDI NAWALA ANG MGA NGITI SA AKING MAPUPULA'NG LABI!

Yeaaaahh!!!! Hahahahaha!!!!

At naiisip ko pa lang na masosolo ko sya ngayon, iba na yung tuwang nararamdaman ko hehehehe!

Sana ganito kami araw-araw hahahaha!

Ilang minuto pa naming tinahak ang daan at nung makarating kami ay agad nya akong sinalubong sa labas ng kotse ko. Kunwari namang sinimangutan ko sya.

PAV Mall. Parking Lot.

"Tch.. pamotor motor pa kasi e.. Tigilan mo na nga yan--susunduin kita araw-araw sa inyo.." nakangusong utos ko sa kanya.

"Wag na.."

"Masyado kang magastos sa gas--alam mo ba yun? Ha? Kaya wag mo ng dalhin yan, araw-araw kitang susunduin at ihahatid sa inyo.."

"Tara.."

"Taguro.."

"Oh??"

"Susunduin kita araw-araw.. ihahatid rin kita araw-araw---"

"Paulit-ulit ka na naman---masyado ka talagang maingay!" salubong ang kilay na singhal nya!

"Dahil mas makabubuti para sating dalawang ang gawin yon!" sagot ko at binigyan nya naman ako ng WTF-look!

Nginitian ko sya ng malaki hanggang sa maningkit ng sobra ang mga mata ko..

"Bukod sa magiging mas sweet tayo sa isa't isa.. mababawasan pa yung oras ko kaiisip sayo.. Tapos bago tayo maghiwalay ay araw-araw mo ring sasabihin saking mahal mo na ako.." nakangisi pa ring dagdag ko.

"E-Eh?!"

"Hahahahaha!!!!" malakas na tinawanan ko sya at saka ako umakbay sa kanya. "San mo gustong kumain??"

"Kahit saan.."

"Gusto ko may sagot.. Saan mo gustong kumain??"

"Kahit nga saan.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon