CHAPTER 152

2.8M 75K 176K
                                    

DEIB'S POV

Naging napakabilis ng pangyayari!

Nag-uusap lang sila Barb at Taguro nung biglang isigaw ni Kim ang pangalan ni Tob!

Napunta sya sa dilim at tanging si Kim lang ang nakakita sa kanya!

"A-Ano bang nangyari?!" nag-aalalang tanong ni Dein kay Kim! Napatingin naman kami nila Naih at Yaz sa kanya!

"N-Nagulat na lang a-ako.. m-may humila kay T-Tob sa dilim! T-Tapos narinig ko n-nalang may isang malakas na p-palo!!!!" takot na takot at naiiyak ng kwento ni Kim kaya naman hindi ko naiwasan ang takot na mapatingin sa grupo ng mga lalaking biglang sumulpot mula sa dilim!

Sino ba sila??

Agad akong lumapit kay Tob!

"Ayos ka lang, dre?!" nag-aalalang tanong ko!

"A-Ayos lang.. a-ahh!" umiingit pang sagot ni Tob!

Pupungay pungay ang mga mata nya at gegewang gewang na animong lasing ang ulo nya! Ang kanang kamay nya ay kusang umaangat na hindi mo maintindihan!!!!

Matinding pag-aalala ang nangibabaw sakin!!

"Tsk! Sino ba kasi ang mga yan!?" inis na bulong ko pa!

"H-Hindi ko k-kilala ang mga y-yan!!" parang hingal na hingal na animong lasing pa'ng sagot ni Tob!

"W-Wag ka ng magsalita, dre.."

"B-Bigla na l-la-lang a---kong h-hinila nung isa! A-Aray---aaaahhh!!!"

"S-San ang masakit, dre?? Anong ginawa sayo?!"

"H-Hinampas ako ng k-kahoy! T-T*ngina---tumba a--ko!!" sigaw nya na dumura pa sa labas ng kotse!

"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong namin ni Lee!

Hinawakan ko ang panga ni Tob at sinilip ang tama ng bibig nya!!

Kaya naman doon ko lang rin napansin ang malaking latay ng kahoy sa pisngi nya!

"A-Ang lakas nung p-pagkakahampas! B-Bulagta agad ako sa s-sobrang h-hilo!" dagdag pa ni Tob!

"W-Wag ka na munang magsalita.. baka makasama pa sayo.." si Lee. "Pumasok ka na muna sa kotse.. d-don ka na muna.."

"U-Umalis na tayo dito, d-dre.." nanghihinang dagdag pa ni Tob! Nagkatinginan naman kami ni Lee dahil paniguradong pareho kaming nahahati ang nararamdaman ngayon! Nakapanlulumo ang itsura ni Tob!

P-Pero pano kami makakaalis dito?! Paano kaming makakaalis ng h-hindi magdudulot ng panibagong gulo sa pagitan nila?!

"M-Makikipag-usap muna tayo.." sabi pa ni Lee. "S-Sa ngayon.. p-palakasin mo muna ang loob mo, dre? Ha?? Ha?? Tob??" tinanguan lang sya ni Tob.

Ano bang ginagawa nila! Bakit nila ginagawa 'to!

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at nagsisimula ng manginig ang mga kamay at tuhod ko!

Ang hirap magalit dahil isang sigaw mo lang paniguradong mag-iinit ang ulo ng ilan sa kanila at pwedeng banatan agad kami pare-pareho!

Sisiguraduhin kong pagsisisihan nyo kapag may nangyari sino man samin!

Napakaraming lalaki ang sumugod ngayon sa harap namin at wala akong makilala isa man sa kanila!

Maliliit ang karamihan sa kanila munit malalaki ang mga pangangatawan!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon