CHAPTER 109 : INTERHIGH

5.5M 105K 498K
                                    

RANDALL'S POV

"Excuse me Doc Randall.." dinig ko sa isang boses at nilingon ko naman agad yun. Junior student ko, bilang Senior kasi ay ginaguide ko sila sa course namin.

"Oh Sheena?" tanong ko sa kanya.

"Ahh, tapos na po kami case presentation." nakangiting bungad nya at nagtaka naman ko.

"Tapos na? E hindi pa nga ako pumupunta don?" maayos na tanong ko naman.

"Ahh kasi po si Doc Maxwell na lang po ang pinaupong panel ng Lolo niyo." parang naiilang pang sagot niya.

"T-Teka Sheena. Si Maxwell?? Maxwell del Valle?" pagkukumpirma ko pa.

"Y-Yes Doc Randall."

Bakit siya??

Nakaramdam ako ng konting inis dahil nakakainsulto sa part ko na ako dapat ang uupong panelist sa presentation ng mga Junior Med Students na 'to dahil ako ang Senior nila at sa'kin talaga sila naka-assign.

Gayunpaman ay hindi ko ipinahalata sa kanya ang pagkainis ko.

"G-Ganon ba?"

"Yes Doc kasi po ay naadjust yung time nung presentation kanina, di ba Doc dapat ay ngayong 11am kami magprepresent? E may imimeet daw po kasi siya ngayon 11am kaya pinagpresent nya na kami kanina. Kaso hindi rin naman po pala siya natuloy sa meeting ngayong 11am kasi may incident daw na nangyari sa labas ng school."

"A-Ahh yeah I know that." patungkol ko sa gulong kinasangkutan nila Pein kanikanina lang.

"Ayun po."

"Ahh nabanggit ba kung bakit si M-Maxwell ang kinuhang panelist ni Lolo?"

"Siya po kasi ang nakaduty sa E.R. kanina, nandon rin po kasi si Doc Sherwin at yung isang Resident Doctor, si Dra. Edda kaya pinull-out muna siya ng Lolo niyo at pinaupo sa panelist."

Tsh, sana ay si Edda o si Sherwin na lang ang kinuha niya, bakit si Maxwell pa?! Hindi naman na taga-SIS yun.

"G-Ganon ba."

"Opo."

"S-Sige sige kung ganon e kumusta naman daw ang result ng presentation niyo?"

"Ayun po, masaya hehehehe!" masaya ngang sabi niya at nginitian ko naman siya. "Nakakatuwa lang po kasi nagustuhan po nilang lahat yung presentation naming, may mga flaws rin kami pero minor lang po at naicorrect rin nila kami bilang lesson hehehe. Ang bait nga po ni Doc Maxwell kasi yung mali namin ay ipinaliwanag nya ng tama kasi mali pala talaga ang pagkakaintindi namin pare-pareho nila Clarice Yvonne at Rhea Boca doon sa topic namin."

"I see well then, congratulations."

"Thank you rin po sa inyo Doc Randall kasi talagang sinubaybayan niyo yung ginagawa namin hehehe."

Oo pero hindi ko akalaing isang taga-BIS pa ang tatapos ng trabaho ko. Tsk.

"Pinapabigay rin nga po pala ni Mary Rose ang gift na to, hehehe.."

"H-Ha? Para saan daw?"

"Kasi nga po tinulungan niyo kami hehehe, baka po kasi hindi kami makapasa sa Prelims kung hindi niyo kami tinulungan Doc."

"Parepareho tayong nagdodoctor dito kaya tulungan lang talaga Sheena, pakisabi kay Mary Rose, salamat."

"Makakarating po Doc."

"Sige." sagot ko at saka tinalikuran siya pero muli siyang humabol sa'kin.

"A-Ahh Doc."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon