CHAPTER 97

5.7M 110K 246K
                                    

DEIB'S POV

Kinabukasan.

Maaga akong nagising at nakapaghanda papasok. Nandoon na ang lahat sa dining area nang bumaba ako. Napansin kong naging balisa si Noona ng maramdaman ang presensiya ko.

"Good morning!" masayang bati ko ko sa lahat. Si Noona ang unang lumingon sa'kin at nagtama ang paningin namin na mabilis niya ring inalis.

'Tch. Awkward, amp!'

"Good morning, ang aga mo yata?" ani Manang.

"Nagkataon lang, Manang," tugon ko tsaka naupo sa puwesto ko at deretsong tumingin kay Noona na nasa tabi ko. "Good morning, Noona!" buong puwersang bati ko na ikinagitla naman niya. "Hindi mo man lang ba ako babatiin? Maganda ang gising ko at pakiramdam ko ay sumisigaw sa kaguwapuhan ang mukha ko."

"H-Ha?" utal na anas niya.

"Hahaha! Sabi ko, good morning!"

"Ah, good morning," naiilang na tugon niya.

"Akala ko ay hindi mo ako narinig, eh. Hehehe."

"Bakit parang ang saya mo naman?" mataray na ang tono niya kaya ngumiti ako.

"Wala naman akong dahilan para hindi maging masaya, hindi ba?" nakangiting tanong ko. "What happened yesterday--I'll leave it to yesterday. Nakausap ko na si yesterday at siya na ang bahala sa alaala," sarkastikong tugon ko.

"Psh." singhal niya pero ngumiti rin.

Magana kaming nagsalu-salo habang nagku-kuwentuhan, may kaunting pagkasabik sa dibdib ko tungkol sa pagpasok ko ngayong araw at hindi ko alam kung saan nagmumula iyon.

"Siya nga pala, bibisita ang Chairman sa BIS," ani Dad at bigla akong nasamid. "Oh? Ayos ka lang, son?"

"Dahan dahan sa pagsubo, anak," sabad ni Mommy pero hindi ko siya nilingon. Nanatili kay Daddy ang paningin ko.

"Si Chairman Enrile, Dad?"

"Oo naman, may iba pa ba tayong tinatawag na Chairman dito maliban sa great grandfather mo, Deib Lohr?" nahihimigan ni Daddy ang kaba ko. Lalo akong napalunok.

'Ano ang gagawin niya r'on? Badtrip! Kinabahan ako bigla!'

Pakiramdam ko ay nawala 'yong pagkasabik ko sa pagpasok at napalitan iyon ng takot.

"Ano raw po ang gagawin niya roon, Dad?"

"Bibisita sa mga students, ano pa ba?"

"Bakit daw po?"

"Hindi ko alam, maaaring kukumustahin ang academic performance ng mga students ng BIS, o 'di kaya nama'y makikipagmeeting tungkol sa delayed ninyong sportsfest."

Dati na akong kinakabahan kapag si Chairman Enrile ang pinag-uusapan pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang nadoble ang kaba ko ngayon. Natatakot ako para sa sarili ko. Malamang ay dahil sa aminado akong marami akong nagawang kalokohan.

'Badtrip!'

"Kinakabahan ka na ba?" nakangising tanong ni Noona, bumuntong-hininga lang ako. "'Don't worry, sa pagkakakilala ko kay Maxpein, hindi niya ugaling mangpahamak ng tao," seryosong anas niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawala ang kaba ko ngunit napalitan iyon ng pagtataka.

"Ano ang ibig mong sabihin, Noona?"

"Paniguradong kaya ka kinakabahan ng ganiyan ay dahil sa mga kalokohan mo. Bukod kay Pein ay wala na akong nabalitaang nakabangga mo, siya lang talaga. Unless, may hindi pa ako nalalaman na iba?"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon