CHAPTER 119 : INTERHIGH

4.8M 94.9K 382K
                                    

MAX'S POV

Nananatili si Sensui sa harap ko habang kusa naman ang mga mata kong tinititigan sya..

Napabuntong-hininga ako nung makita ko ang bakas ng matinding pag-aalala sa mukha nya..

Parang huminto ang paggalaw ko ng mundo..

Bakit ba hindi ko man lang magawang pahalagahan yung mga bagay na ginagawa nya sakin??

Bakit hindi ko pa rin masuklian yung nararamdaman nya para sakin??

Kitang kita ko kanina ang galit sa mga mata nya at hindi ko inaasahang gagawin nya yon kay Choco. Masyadong mabilis ang pangyayari at sa isang iglap.. Ibang Deib Enrile ang nakita ko..

Nagagalit ba sya dahil sa ginawa nila Choco sakin??

Ano kayang mararamdaman nya kung sasabihin kong.. wala syang pinagkaiba sa kanila?

Napabuntong-hininga ulit ako at saka tumingin sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari?? Sabihin mo sakin??" malumanay na tanong nya at tumingin lang ako ng deretso sa kanya. "Sino man sa kanila ay walang karapatang saktan ka.." mahinang dagdag nya pa at saka bahagyang lumunok.

Tama ka.. sino man sa inyo ay walang karapatang gawin sakin 'to..

"Taguro.. sabihin mo sakin.. anong nangyari??" dagdag nya pa.

"K-Kahapon kasi.." biglang sabat ni Naih dahilan para lingunin sya ni Sensui. "..b-bigla na lang lumapit si Gonza sa kanya at kung anu-anong p-pinagsasasabi.."

"Bakit hindi nyo man lang sinabi saken!!!!"

Gulat kaming napatingin lahat kay Sensui at makikita mo talaga ang galit sa mga mata nya! Isa-isang tinignan nya sina Naih, Michiko, BJ, Migz, Lee, Tob at yung iba pa nilang kasamahan!

Hindi naman ako kumibo at bahagya na lang akong napatungo.

"Nakita nyo na palang binubully sya---bakit wala man lang kayong ginawa?!" galit na dagdag nya pa!

"D-Deib easy.." si Tob.

"E-Easy?! Tignan mo nga si Maxpein!? Tapos e-easy!? What the heeellll, Tob?!" inis na tanong nya kay Tob.

"E bakit pati samin nagagalit ka?!" inis ring sigaw sa kanya ni Tob!

"Dahil wala man lang kayong ginawa! Hindi ba't sinabi ko sayong bantayan mo sya?!"

"Naglalaro ako! Mababantayan ko ba sya habang naglalaro ako!?"

"Tch! Badtrip!"

"Hindi nila alam kung anong nangyari.." biglang singit ko at napatingin naman sakin si Sensui munit nananatiling salubong ang kilay nya. Huminga muna ako ng malalim at saka uli nagsalita. "Sa Canteen kami nagpang-abot ni Gonza.. tinulak tulak nya ako at hindi ko naman sya pinatulan.. Maraming nakapansin samin kaya naman pinalibutan agad kami ng mga tao'ng nandoo---"

"Bakit wala man lang ngang tumulong sayo!? Nasan sila!? Ang mga kaibigan mo!?" inis na tanong nya at sinulyapan ko naman sila Naih.

"Kumalma ka nga.." mahinang sambit ko at inis naman syang iniiwas sakin ang paningin nya. "Iniwan ko sila sa Gym dahil nga nanonood sila ng laban nyo.. pumunta ako sa Canteen para bumili ng inumin ko.. at ayon na nga ang nangyari.. Hindi ko naman inaasahang mangyayari yun dahil nabigla rin ako kay Gonza.."

"Anong ginawa ni Gonza sayo!?" galit paring tanong nya.

"Wala syang ginawa sakin.. bukod sa panunulak e panay pagbububunganga lang ang ginawa nya.. Sila Choco at yung mga maarteng kasama nya ang kung anu-anong pinaggagagawa sakin.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon