CHAPTER 151

3.2M 74.3K 192K
                                    

MAXWELL'S POV

At exactly 7:00pm, dumating ako sa Mansion.

But I stayed in my car upon arriving.

Kinuha ko ang cellphone ko then dialled Pein's number.

"Hello?" she answered.

"Nandito na ako.."

"Oh e ano naman?"

Bumuntong-hininga pa muna ako bago muling nagsalita.

"Don't be late.."

"Papunta na rin kami dyan.."

"See you.." I said and then ended the call.

Tumingin pa muna ako sa Mansion at napaisip.

Ano naman kayang magandang dahilan ang meron si Mommy para magpatawag sya ng ganitong celebration?

Bumaba ako ng kotse ko at saka mabilis na pumasok.

"Good evening, Sir Maxwell.." bati sakin ng maid at guard.

"Good evening." tugon ko at saka derederetsong pumasok sa gate. Agad akong sinalubong ng iba pang maids bago pa man makapasok sa loob. "Where's everybody?" tanong ko sa kanila.

"At the living area, Sir.." sagot nito kaya naman mabilis akong dumeretso doon.

"Hyung!" salubong agad sakin ni Maxrill kaya naman agad akong ngumiti.

Lahat sila ay kanya kanyang upo sa kabuuan ng living area, sina Mokz, Maxrill, Daddy, Mommy at Chairman. Kasalukuyan silang nanonood ng balita.

"Annyeonghaseyo.." bati ko sa kanilang lahat at saka nag-bow.

"Anja.." si Mommy.

*Translation: Sit down..*

Agad naman akong naupo sa tabi ni Maxrill.

"Where's Maxpein?" pormal na tanong ni Chairman.

"Tinawagan ko po sya bago pumasok dito, papunta na rin daw po sila.." sagot ko. Hindi naman na sya nagsalita at saka bahagyang umubo at muling tumingin sa TV. "Anong meron?" palihim na bulong ko kay Daddy.

"Your Mom planned this.."

"I know.. Bakit nga??"

"Dahil nakatanggap nga ng scholarship si Maxpein.."

"Tsh! You know her, Dad.."

"Maxwell.." sita nya sakin.

"Sana lang.. wala syang gawin na hindi magugustohan ni Maxpein, dahil invited ang mga friends nya---at ang mga Enrile.." mahinang tugon ko at saka napapabuntong-hiningang tumingin sa TV at nakinood.

Maya maya pa..

~BEEP!~

Agad akong tumayo.

"Titignan ko lang kung sinong dumating.." sabi ko pa sa kanila.

"Sabihan mo ang mga maids na magprepare na.." dinig kong utos pa ni Mokz kay Mommy.

Mabilis akong lumabas ng main door at tinignan kung sinong dumating..

Ang mga ENRILE..

Tsh! He's also invited??

Taka akong pinagmasdan si Randall habang inaalalayan sina Dein at ang Mommy nito na bumaba ng sasakyan nila.

And she's also invited??

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon