Chapter 49

10.1K 176 0
                                    

Jheanna Anne's POV

Dito kami sa park dinala ni Jc when he came to our house saying that we're going out for a family date.



May nakalatag na blanket dito sa damuhan so ang labas nagpipicnic kaming tatlo.



"Matapos nito san mo gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Jc habang inaayos niya ang pagkain.


"Why don't you ask our son?" Kibit balikat kong sagot sa kanya saka tinulungan sa siya pag aayos.



"Okay." Sabi niya bago binaling ang tingin kay baby Mj na nilalaro ang phone niya.

"Michael?"

"Yes dad?" Mj said without looking to his father.



"After this, where do you want to go?"


Bigla naman siyang nag taas ng tingin sa aming dalawa.

"EK." Nakangiting sabi niya.



Tumango lang si Jc at nginitian ito.



"Baby gave back that phone to your daddy and we will going to eat."

Nung una pa ay ayaw niyang ibigay pero nilambing lang siya ni Jc kaya hindi na siya nag atubiling isauli ito sa kanya.

Pagka abot na abot ni Jc sa kanyang phone ay may tumatawag dito kaya agad niya itong sinagot.


"Hello Mom? Yes. Okay. We'll be there in a minute."



Binulsa na niya ulit ang kanyang phone saka kami binalingan at ngumiti.



"My mom wants to see you and to meet our son."


Napakurap ako ng ilang beses at pilit na inaabsorb yung sinabi niya. Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya.

"But --"

"No buts. Tulungan na kitang mag ayos dito."


Wala na rin naman akong magagawa kaya niligpit ko na lahat ng gamit namin with his help at dun na lang siguro sa mansyon nila kami kakain.


"Sorry son we can't go to EK today."



Sumimangot naman yung anak ko, I feel sorry for him ngayon na nga lang siya pupunta dun hindi pa matutuloy.

"But why dad?"


"Your grandparents wants to meet you."


Bigla namang umaliwalas ang mukha niya and I can see that spark on his eyes.


"Really?"


Tumango lang si Jc bilang sagot sa kanya saka ginulo ang buhok niya na agad namang nag pasimangot sa kanya.



"Dad don't do that again. I hate people who messes with my hair.


"Even me and your mommy?"


Nakanguso naman siyang tumango kaya napa tawa na lang kami ni Jc.



"Tara na."


Naglakad na kami patungo kung saan naka park yung sasakyan ni Jc.

★★★

Tahimik lang ako sa buong byahe habang yung anak ko naman ay tahimik lang na naglalaro sa likuran.



I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now