Chapter 15

12.2K 217 0
                                    

Matapos kung inimpake ang mga gamit ko nag paalam na ako kay Lean through text dahil nga sa lilipat na ako ng tirahan.

Pag kalabas naman namin wala na dun si Jacob tetxt ko sana siya pero naalala ko na wala pala siyang number sa akin.

Hindi lang man ako nakapag paalam sa kanya. Napa buntong hininga na lang ako.

Ngayon ay kararating pa lang namin ni kumag dito sa bahay nila or should I say mansion nila dahil sa laki nito.

Inaasahan ko nga na nandito sina tita at tito pero sabi ng kanilang katulong na umalis na sila at pumuntang US para daw asikasuhin  ang  business nila dun.

Yung business naman nila dito si Caleb na lang daw ang aasikaso.

"Iya iakyat mo na sa kwarto niya ang kanyang mga gamit." pag uutos nito sa isa sa kanilang katulong.

John Caleb's POV

"Sa kwarto niyo po ba sir?"

Napa face palm dahil ako sa sinabi ng aming katulong.

Badtrip na nga ako dahil sa pagyakap ng asungot na yun kay Jheanna kanina.

Bibigyan pa ako ng sakit ng ulo ang isang to? Naman ohh!

"Sa kwarto niya ang sabi ko diba? Alin ba dun ang hindi mo naintindihan?"

Napapasigaw tuloy ako ng wala sa oras malinaw naman yung pagkakasabi ko mali pa rin sa kanyang pandinig?

"Eh k-kasi po sir p-pinasara na po k-kasi ni ma'am Carmina lahat ng kwarto maliban n-nalang po sa kwarto niyo kaya---" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa nag salita sa likuran namin.

"They should stay in one room. Yan lang naman ang sinabi ni tita bago sila umalis."

Tumalikod ako para tingnan kung sino ang nagsalita at kinagulat ko ng makita ko si Carl na nakapamulsang nakatayo.

" Carl? What are you doing here? I thought bumalik kana ng US?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko pala nasabi sa'yo na magbabakasyon ako dito ng siguro isang taon." Kibit balikat niyang sagot.

o_o

Whoah! Isang taon? Ohh edi ayos at may makakasama ako sa tuwing lalabas ako.

"Ayos ah! So dito ka rin ba titira?"

"Hindi sa condo ko ayaw ko namang maka istorbo sa bagong kasal noh."

Nang aasar ba to? Alam na ngang hindi ko ginusto ang bagay na yun ehh.

"Nang aasar ka?"

"Whoah chill!" Naka ngisi niyang sagot.

"Pwede ba tumahimik kana lang."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nilapitan niya lang si Jhean na kanina pang walang imik sa may likuran ko.

"It's  nice to see you here again Ms. Jheanna." nakangiting sabi nito sabay kuha sa kamay nito at hinalikan ang likuran
ng palad niya.

Nangunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.

" Mrs." I corrected him at baka nakalimutan na niyang kinasal na kami.

Ngumisi lang ulit siya.

Jheanna's POV

" I know." naka ngising sabi ni Carl sa kanya.

Bakit ganun na lang siya kung maka ngisi parang may pinapahiwatig na kung ano.

Ay ewan. Pinag kibit balikat ko na lang ang isiping yun.

"Sir san ko po ilalagay tong mga gamit ni ma'am?" pagtatanong ng katulong na binulyawan ni Caleb kanina.

"Kahit ba sa guest room eh pinasara?" pagtatanong ko sa kanya na nagbabasakaling nakabukas yun.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi niya kanina? LAHAT ng kwarto maliban lang sa akin."

Talagang diniinan niya pa ang pagkakasabi ng lahat. Nagbabasakali lang naman na nakabukas yun.

"Nagbabakasakali lang na nakabukas yun pwede ba hindi ako tanga." Pairap kong sabi sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at binaling niya ang kanyang atensyon sa katulong na kanina pa ngininginig sa takot.

"Iakyat mo na lahat ng mga bagahe niya sa kwarto ko."

"S-sige po s-sir." kanda utal na sabi niya sabay kuha sa isa sa mga bag ko.

Tatlo yung bag ko kaya napag desisyunan ko na lang na tulungan siya sa pag bubuhat.

"Tulungan ko na po kayo."

Iaakyat na namin sana yung mga gamit ko nung magsalita yung Carl ang pangalan kaya nilingon namin siya.

"Tulungan ko na rin kayo."

Pero bago niya makuha ang bag ko pinigilan siya ng pinsan niya.

"Hayaan mo sila may pupuntahan pa tayo."

Nangunot naman ang noo ni Carl sa sinabing yun ni Caleb.

"Tara na."

"Pero kailangan nila ng tulong."

"Bakit kailangan niyo pa ba ng tulong?" pagtatanong  niya sa amin ngunit nakatingin siya sa akin ng masama na para bang huwag kong sasabihin ang totoo.

"Ahh Hehe. Hindi na siguro kahit kailangan talaga pero kaya pa naman." Walang emosyon kong sagot sa kaniya.

Kahit kailan talaga walang puso ang lalaking to.

"See."

And with that hinila na niya si Carl at lumabas sila ng bahay kaya pinagpatuloy namin ang pag akyat sa bag ko sa taas.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now