Chapter 17

11.9K 224 1
                                    

4:30 na nung nakatulog na ako pero masyadong maingay yung alarm eh.

Nagising  ako dahil dun kulang na kulang ako sa tulog pero pinilit ako ng kumag na yun para daw tulungan ko sina manang sa mga gawain dito sa bahay niya.

Pwede bang hindi muna ako magtatrabaho kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang talaga.

Narinig kong bumukas yung pintuan kaya tiningnan ko kung sino yun.

Si Caleb lang pala eh.

"Bakit andiyan ka pa? Diba kanina pa kita ginising. "Bulyaw niya sa akin.

Inaantok pa nga yung tao eh.   Hindi niya ba napapansin yun?

"Ano? Matutulog ka lang ba diyan magdamag?"

"Ito na nga eh! Babangon na."

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para mag toothbrush.

Tiningnan ko yung mukha ko sa salamin, and to my surprise.

O_O

Yieekkss! Ang laki ng eyebugs ko. :'(

Inayos ko na ang sarili ko bago bumaba  at dumiretso sa kusina.

"Ma'am bakit po parang lasing kayong maglakad?" Pagtatanong sa akin ng isa sa mga katulong.

Pano naman kasi pagewang gewang ako nung naglalakad ako dagdag mo pa na nakayuko ako kaya parang lasing kung maglakad.

Ini-angat ko yung ulo ko para tingnan yung katulong na kuma usap sa akin.

Sa gulat niya nabitawan niya yung hawak hawak niyang walis nung tiningnan niya ako.

Hindi na ako nagtaka kung bakit ganun na lang ang reaksiyon niya.

"Hala! Ma'am bakit ganyan hitsura niyo? Bakit ang laki ng eyebugs niyo?"

"Ano sa tingin mo?" I asked in  sarcastic way.

"May gagawin pa po ako."  Nanginginig yung kamay niyang pinulot yung nabitawan niyang walis kanina tsaka naglakad paalis.

Problema nun? Pinag kibit balikat ko na lang.

Dumiretso na ako sa kusina at umupo saka ko sinubsob ang ulo ko sa aking kamay.

"Ohh Iha, bakit ka nakasubsob diyan? Kumain kana." Sabi ni manang Iza.

Iniangat ko aking ulo at tiningnan siya.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang si sadako tsaka ang laki ng eyebugs mo?"

Maka sadako naman tong si manang ohh, kulang lang sa tulog si sadako  na agad.

"Kulang po sa tulog eh."

"Bakit? Hindi ka ba pinatulog ng asawa mo?"

"Ehh? Hindi po. Hindi po talaga ako makatulog kaya mulat yung mata ko buong magdamag."

"Hay naku kang bata ka. Kumain ka  na diyan at ng makapagpahinga ka."

"Pero tutulungan ko pa po kayo sa mga gaw-." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa pag singit niya.

" Ako ng bahala, sige na kumain kana."

Sinunod ko nga yung sinabi ni manang kaya pagkatapos kong kumain agad akong umakyat sa kwarto at nag pahinga.

7:30 na nung nagising ako pero inaantok pa rin ako, talagang kulang pa rin ako sa tulog.

Iidlip na sana ulit ako ng narinig kong bumukas yung pintuan kaya tiningnan ko kung sino yung nag bukas nun.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now