Chapter 2

26.7K 424 3
                                    

"We've come here to tell you that this coming July 11, 2015 will be your wedding with our son Jc."

O_O

Wait.

WHAT?!

Wedding? Magpapakasal ako and worst wala akong kaalam alam dito.

Whoah! Mali ata yun no. There's no way that I will marry their son.

"Marry your son? What do you mean by that? Nagbibiro lang kayo hindi po ba?"

"Bakit? Hindi ba sinabi sa'yo ng parents mo? And this is not a prank." Malumanay na sabi sa akin ng lalaki.

"Wala po. Kahit isa wala silang nabanggit sa akin."

"Teka! Mukang nabigla natin siya." pagsambit ni Mr. Fuentes sa kanyang asawa.

"Tingin ko rin eh. Pero bakit hindi na lang natin sabihin sa kanya tutal nabanggit na natin sa kanya diba?"

" I think that's a good idea."

"Ganito kasi yan. Napagkasunduan namin ng mga magulang mo na ipagkasundo ang aming mga anak kung hindi nila nabayaran yung perang hiniram nila."

O.o

Ano daw? Utang bakit naman mangungutang sina mama ng pera?

"Kailan po ba sila nanghiram sa inyo ng pera?"

" 2 months ago at ang sabi nila babayaran nila yun sa araw matapos ang operation ng tatay mo." pagsagot ni Mr. Fuentes sa aking tanong.

"Magkano po ba ang inutang nila sa inyong pera?"

"Almost half a milyon."

"Ah! O_O WHAT?! Half a milyon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes."

"Pero san naman nila ginamit ang ganong kalaking pera?"

"They use it for your fathers operation. But sad to say after his operation they died because of the car accident."

Operation? Wala akong maintindihan.

Bakit magpapaopera si papa eh wala naman silang sinasabi sa akin na may sakit si papa.

"Heto na po. Magmeryenda po muna kayo."

Siguro sa kakaisip ko hindi ko namalayan na nandito na pala si Lean.

"Thank you but no thanks. We have to go."

Tumayo na sila at lumakad paalis.

"And oh we forgot to tell you something."

Napatingin ako sa kanila dahil sa sinabi ni Mrs. Fuentes.

"Ano po yun?"

"You'll be meeting our son soon."

Matapos niya yung sabihin nagpatuloy na sila sa paglalakad at mayamaya pa ay narinig ko ang tunog ng sasakyan nilang umandar paalis.

"Uii. Ano bang pinag usapan niyo at bakit naging biyernes santo yang mukha mo?"

"Uhh ano! Sabi nila kailangan ko daw  pakasalan ang anak nila dahil yun daw ang napagkasunduan nila nina papa." Matamlay kong sabi sa kaniya.

Hindi ko na sinabi yung tungkol dun sa utang at sa sakit ni papa dahil baka wala din siyang maiintindihan tulad ko.

"Close ba sila ng parents mo?" Naguguluhang tanong niya.

"Hindi ko nga rin alam eh."

Tumayo na ako sa kina uupuan ko para kumuha ng tubig sa kusina .

"Ohh san ka pupunta?"

"Sa kusina kukuha lang ako ng tubig."

"Hetong juice oh. "

"Hindi tubig na lang."

Lumakad na ako papuntang kusina para kumuha ng malamig na tubig.

Matapos kong uminom napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto ko hindi para maglinis kundi para magpahinga.

" Lean, akyat muna ako sa taas ah."

"Sige! Tatawagin na lang kita pag manananghalian na tayo."

"Sige!"

Umakyat na ako sa kwarto ko at humilata sa kama para makapagpahinga ilang minuto akong nakatitig sa kisame hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Kaya napagdesisyunan ko na lang na matulog at dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako ng mahimbing.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now