Chapter 3

22.9K 364 0
                                    

John Caleb's POV

Hey!  zZzuupp ?

My name is John Caleb Fuentes just call me Jc for short.

While I'm busy reading a book entitled The Villagers.

Narinig kong may tumigil na  sasakyan kaya tinigil ko sandali ang pagbabasa para silipin sa may bintana kung sino ang dumating.

Nakita kong bumaba sa kotse si mama at papa.

'Sila lang pala.' Nasabi ko na lang sa isip ko saka lumabas sa kwarto ko para salubungin sila sa baba.

"Musta ang byahe?" pagtatanong ko pagkakita ko palang sa kanila na nakaupo sa sofa.

"Ayos lang naman. And oh we have a good news for you."

"Spill it out Mom."

"We saw her." Nakangiting sabi niya.

"Who?"

"Your soon to be wife."

"Psh! My soon to be wife my ass." Mapanuya kong sagot sa kanila I know it's kind a disrespectful but I don't care.

"Hey watch your words kid."

Tsk! I'm not a kid anymore.

"Yeah! Whatever." After I say those words I leave them there without saying a word.

Sila na lang lagi ang nakahawak ng decision tulad ng sino at ano ang dapat para sa akin.

Why do they have to do those kind of things? They don't even know how to respect my own decisions.

I'm just letting them decide for my dreams but for this marriage? Huh. No way!

Jheanna's POV

"Uy, Jhean san tayo ngayon at bihis na bihis ka?"

" Uhh! Pupunta sana ako sa cemetery to visit my parents grave it's been a month since nung huli ko silang nadalaw."

"Ahh."

"Ano? Gusto mong sumama?"

"Sasabay na lang siguro ako sa'yo."

"Ah sige. Pero san naman ang punta mo?"

"Sa mall may bibilhin lang kasi ako. Sige magbibihis lang ako."

"Sige."

After 5 minutes bumaba na siya galing sa kanyang kwarto at nakabihis na.

"Tara." Pag aaya niya na siyang tinanguan ko lang.

•••

Naghiwalay na kami ng dinaanan. Sumakay na siya ng taxi at samantalang ako sumakay na din ng jeep.

Nung nakarating na ako sa puntod nila nakita ko ang maruming paligid nito dahil sa mga mahahabang damo.

"Grabe ang hahaba na mga damo wala bang naglilinis dito?" pagtatanong ko sa aking sarili.

"Ahh Iha, ngayon kasi ang schedule ng paglilinis dito kaya mayamaya na lang ay nandito ang mga yun."

Napalingon ako dahil sa mamang nagsalita mula sa likuran ko.

"Ganun po ba? Pasensya na po sa aking nasambit kanina." Pagpapaumanhin ko.

"Ayos lang iyon."

"Okay po." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Siya sige maiwan na kita diyan."

Nagsimula na siyang lumakad palayo.

Nilagay ko muna yung mga bulaklak na pinamili ko kanina sa may puntod nilang dalawa.

"Ma, Pa. Musta na kayo? Siguro masaya na kayo diyan sa langit dahil wala na kayong prinoproblema no?"

Ganito na lang ang ginagawa ko pag pumupunta ako rito, ang kausapin lang sila.

"Ang daya niyo naman hindi niyo lang man sinasabi sa akin na may sakit pala si papa."

"Kung sana sinabi niyo sa akin eh di sana nagawan natin yun ng paraan  at hindi niyo kailangang mangutang ng pera at sana hindi ako magpapakasal ngayon sa taong hindi ko kilala."

"Tama bang sisihin niyo ang mga magulang niyo tungkol sa bagay na yan?"

Napatalon ako sa gulat nung mag salita ang mama na sa tingin ko ay ang tagalinis dito.

" AY JUSKO NAMAN MANONG! Nakakagulat naman kayo  eh."

"Pasensya na iha pero sinasabi ko lang yung totoo." Patawa tawang sabi niya na siyang kina nuot ng noo ko.

May sira ata sa ulo tong si manong eh manggugulat saka niya ako tatawanan? Haay! Tao nga naman ohh.

"Kayo po ba ang maglilinis dito?"

"Oo Iha."

"Ayy sige po."

Tumayo na ako sa kina uupuan kong bato kanina para malinisan na niya itong puntod.

"Sige ma pa, sa susunod uli na dadalaw ako.
Sige po manong mauna na po ako sa inyo."

"Ohh sige mag iingat ka."

Nginitian ko na lang siya bilang ganti sa kanyang sinabi tsaka ako lumakad paalis.

I'm Married to a Millionaireحيث تعيش القصص. اكتشف الآن