Chapter 18

11.3K 213 0
                                    

It's been a month since nung lumipat ako sa mansyon ng mga Fuentes at nung ospital ako.

Nag sorry naman siya dahil kasalanan niya naman daw kung bakit ako na ospital.

Meron sa part na natouch ako pero meron din sa part ko na naiinis ako.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung hindi kayo papakainin diba?

Higit isang buwan na rin akong natutulog sa sofa at hindi man lang nag abala yung mokong na patulugin ako sa kama niya at sa sofa naman siya matutulog.

Medyo sanay na rin ako na matulog sa sofa hindi tulad nung una na hindi ako nakakatulog.

At tulad nga ng napag usapan namin na walang pakialaman sa tingin ko wala namang problema dun dahil hindi talaga namin pinapakealaman ang isa't isa.

Haaayyy! Nakaka miss rin pala yung mga moments niyo ng mga kaibigan mo.

Pano naman kasi simula nung araw na lumipat ako dito hindi na ako lumabas at hindi na ako pinag trabaho ng kumag na yun dahil ayaw niya ulit mangyari yung nang yari sa akin.

Pero yung lalaking yun ay hindi pwedeng magkulong lang dahil may business siyang inaasikaso.

Tutal wala naman akong ginagawa dito ng buong mag damag naisipan ko na pumunta sa bahay  para dun ko libangin ang sarili ko kaysa mag mukmok dito.

Umakyat na ako sa taas para maligo at mag bihis.

***

Hindi ko alam na mahigit isang oras pala ang byahe mula sa mansyon ng mga Fuentes papunta dito sa bahay.

Hala! Nakalimutan kong mag paalam kay manang Iza wala pa naman yung number niya sa akin. Magpapaliwanag na lang ako pag naka uwi na ako.

Sa tingin ko hindi pa nakaka uwi si Lean galing sa work naka lock pa kasi yung pintuan eh.

Hinanap ko na lang yung susi sa bag ko para mabuksan ko na yung pintuan.

"Ayun! Nandiyan ka lang pala eh." Kinuha ko na ang susi sa bulsa ng bag ko tsaka ko binuksan ang pintuan.


Napangiti na lang ako nung makita ko yung bahay .

"Wala pa ring pinagbago pero namiss ko tong bahay and I feel at home."

Nilagay ko na sa ref yung mga pinamili ko kanina na mga prutas at gulay.

Para naman hindi ako mabore sa kakahintay kay Lean manonood muna ako ng movie.

John Caleb's POV

7 na nung maka uwi ako sa bahay. Pagkapasok ko sa bahay wala akong marinig na ingay galing sa t.v.

Nakapagtataka lang dahil pag umuuwi ako galing sa trabaho maririnig ko sa labas ang ingay na mag mumula sa t.v at walang Jhean na naka upo sa sofa at nanood ng t.v.

Nakita ko si manang Iza sa kusina na nagliligpit ng hapagkainan kaya nilapitan ko siya para itanong kong san nagpunta yung babaeng yun.

"Manang Iza nakita niyo ba si Jheanna?" Pagtatanong ko sa kanya nung makalapit na ako sa kinaroonan niya.


"Ehh Sir nakita ko po siya na nakabihis pero hindi niya po sinabi sa akin kung saan siya pupunta."



"Pero nakita mo na ba siyang bumalik?" Pagtatanong kong muli.

"Hindi pa. Baka pauwi na yun."

Tumango na lang ako saka tumalikod  at umakyat sa kwarto at nag babasakaling nandun siya.


Pero bigo ako ng makita ko na walang Jheanna na natutulog sa sofa.


Agad akong bumaba para sabihan si Manang Iza na tumawag ng pulis at baka kung ano na ang nangyari sa kanya.


"Manang Iza." Sigaw ko mula sa hagadanan. Nakita ko naman na lumabas siya mula sa kusina.


"Tumawag ka ng pulis at sabihin mo na hanapin nila si Jheanna.  Anong oras na pero  hindi pa rin siya umuuwi."


Nakita ko na pahapyaw siyang ngumiti.

"Bakit ka ngumingiti?"


"Nag aalala ka sa kanya ano?"

"Nag sabi naman sa'yo na nag aala ako sa babaeng yun huh?"


"Ehh kasi naman iho sabi mo  sa akin na tum--"


Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinasabi.


"Di wag kang tumawag, problema ba yun?"


Bago ako umakyat sa kwarto nakita kong umiling siya.


Jheanna's POV

7 na nung naka uwi ng bahay si Lean at halata naman ang pag kagulat sa kaniyang mukha nung nakita niya ako.


"Bakit ka nandito?"


Ngumiti muna ako bago nag salita.

"Visiting you and this house."

"Kaw talaga. Siguro namiss mo ko noh? May pavisi visiting ka pang nalalaman diyan."


"Haha. Oo na. Oo na."


"Alam ba ng asawa mo na nandito ka?"


"Hindi."


"Haay kaw talaga." Iiling iling niyang sabi.


Siguro nga dahil namiss ko na rin tong bahay at ang babaeng to napag desisyunan ko na dito  muna ako mag papalipas ng gabi dahil tinatamad na akong umuwi tutal meron pa naman yung ibang damit ko rito na gagamitin ko kaya no worries.


Saka na lang ako uuwi ng maaga bukas.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now