Chapter 35

10.2K 183 0
                                    

Jheanna Anne's POV

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin pagkalabas pa lang namin ng airport.

This is it new sorroundings, and a new chapter of life.

"Grabe di ko alam na ganito pala kaganda dito sa Thailand." Manghang sabi ni Lean habang nililibot ang tingin sa buong paligid.

Thailand was the place that I dreamt to go and right now I'm here to the place I dreamt of.

"Yan lang sa ngayon marami pang ibang lugar dito na pwede nating puntahan." sabi ni Jacob.

I heaved a sigh I hope I made the right decision for the both of us.

May tumigil na sasakyan sa harap namin kaya napatigil ako sa pag iisip.

"Hello ma'am , sir. Welcome to Bangkok, Thailand." Sabi niya bago yumuko.

Nakita kong pinag tiklop rin ni Jacob yung dalawang kamay niya bago yumuko dun sa taong nagsalita.

"You know him?" Takang tanong ni Lean kay Jacob.

"He's my secretary his name is Les. I told him to come and fetch us here." Nakangiting sagot niya.

Napatango na lang kami ni Lean bilang sagot sa kanyang sinabi.

"Tara na." Yun lang ang sinabi ni Jacob at naunang pumasok sa loob ng sasakyan.

Sumunod na rin kaming dalawa at sumakay na rin sa likuran.

"Anong gusto niyong gawin ngayon?" Tanong ni Jacob habang nakatingin sa labas.

Aileanna Joy's POV

"Siguro magpapahinga na muna kami medyo pagod na rin kasi ako I mean kami sa byahe." Ako na yung sumagot sa tanong ni Jacob dahil kanina pa hindi kumikibo tong isang to  puro tango lang yung alam niyang gawin.

Siguro baka nag aadjust lang siya sa new sorroundings niya.

After a minute of sitting inside that car nakarating na rin kami dito sa hotel.

Wait! No it is not a hotel malaki siyang bahay.


Napalingon ako kay Jacob na abala sa pag aasikaso sa mga gamit namin.



"Sa'yo ba tong malaking bahay na to ?" Kunot noong tanong ko sa kanya .



Akala ko kasi nung una sa isang hotel kami didiretso pero hindi pala.


"Ah Oo." Sagot niya at hindi man lang nag-abalang lumingon.


"Ohh." Tipid kong sagot.



"Tara na para makapag pahinga na rin kayo." Sabi niya at naunang pumasok sa kabubukas lang na gate.



Ngayong naka pasok na ako nakikita ko na yung buong kabuuan ng bahay niya. Meron siyang garden sa may letf side ng house niya at baka sa malamang meron din siyang swimming pool sa likod nito.


"Tara dun sa taas ituturo ko kung saan yung room niyo at nang makapagpahinga na rin kayo." Sabi ni Jacob na kababa lang ng hagdan.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now