Chapter 22

11.5K 224 2
                                    

Jheanna's POV

Pagkapasok ko sa office niya tinanong ko agad kung ano ba yung ipapagawa niya sa akin.

"Ano nga pala yung ipapagawa mo sa akin?"

Hindi siya sumagot pero may nilabas siyang mga papeles sa kanyang table saka tumingin sa akin.

"Ibigay mo yan kay Lean para pirmahan niya pagkatapos isuli mo ulit dito."

Tumango lang ako saka ko kinuha yung mga papeles na nasa table niya.

Pero bago ako lumabas narinig kung bumulong siya.

"Kumag pala huh." Pinag kibit balikat ko na lang yun at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumakay na ako sa elevator. Mahirap na kung gagamitin ko pa yung hagdanan.

***

Nandito na ako sa pinagtatrabahuan ng employees.

"Aii ano ba yan! Bakit hindi ko natanong kung ano yung table number  ni Lean. Pano ko na malalaman kung san siya nag tatrabaho?" Napa buntong hininga ako dahil sa isipang yun.


"Ayos lang."


"Ay palakang baliw." Napatalon ako dahil sa gulat dahil sa nagsalita sa likuran ko.


"Pfffttt! Grabe Jhea kailan pa naging ganun ang reaction mo pag ngugulat ka?"


Napatalikod ako ng wala sa oras nung malaman kong si Lean lang pala yun na naka ngisi.

"Alam mo ikaw-" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil kinuha niya agad yung papers na hawak ko.


"Huwag mo ulit uulitin yun dahil baka masapok na kita sa susunod." Sabi ko sa kanya habang sinusuri niya yung mga papers.


"Oo na. Ito na ba yung mga papers na ipapapirma ng asawa mo?"


"Oo." Tipid kong sagot.


"Nga pala sabi sa akin nun ni Elize pupunta daw tayo ng Baguio kasi hindi tayo natuloy nun. Naalala mo pa?"



Bakit ko naman makakalimutan yun?


Yun nga yung araw na sinabi niyang nag aalala siya sa akin.


"Sabihin mo rin daw kay Jc kung gusto niyang sumama."

"Ako? Ehh bakit ako pa? Ikaw nalang mag sabi."



Baka kasi kung ako yung magsasabi mamaya hindi pa siya papayag.


"Ano? Sige na nga baka hindi ka pa payagan nun kung sakali na ikaw ang magsabi."



Napailing na lang ako.

"Tapos kana ba diyan sa ginagawa mo?"



"Oo."

***

Nakasakay na kami sa elevator paakyat ng 3rd floor dahil dun naroroon yung office ni Jc.


- ting -


Pagkabukas ng elevator nag lakad na kami papunta sa office niya.



"Katukin mo na. " Sabi ni Lean.



Kakatok sana ako ng may narinig akong tawa ng babae kaya tumalikod ako ulit kay Lean dahil nakakahiya pa kung papasok pa kami.



"Mukang may bisita siya. Balik na lang ulit tayo mamaya."


Mag lalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.


"Anong babalik nandito na nga tayo diba? Aalis ka pa? Sinasayang lang natin ang oras natin kung aalis at babalik pa tayo."


O_O

Nabigla ako sa ginawa niya dahil binuksan niya yung pintuan na hindi man lang nag aabalang kumatok.



Pagkabukas niya hinila niya agad ako para pumasok sa loob pero mas lalo akong nagulat dahil sa nakita ko.


Aileanna's POV

Pagkabukas ko ng pintuan hinila ko agad si Jhean papasok sa office ni Jc.



At hindi ko inaasahan ang madadatnan namin. Gusto niyong malaman kung ano ba ang nakita namin?


May kalampungan lang naman na ibang babae si JcBand worst nakahubad ng pang itaas si Jc yung kalampungan naman niya wala na rin yung pang itaas niya pero andun pa rin yung brassiere niya baka akala niyo wala na yun.



Sa gulat ni Jc bigla niyang naitulak yung babae kaya napa upo ito sa sahig.



"Ouch." Sabi ng linta. Siguro masakit yung pag kakabagsak niya sa sahig.



Masyado kasing malakas yung pagkakabagsak niya. Buti nga sa kanya.


Tiningnan ko siya saka ko iniripan.


"Ohh shit! Don't you know how to knock?"



"No! Kasi kung alam namin sana kumatok kami bago pumasok diba?"


Oo nga pala nakalimutan ko na nandito rin pala si Jhean.


Tiningnan ko kung ano yung reaction niya. Ayun tulala dahil siguro sa gulat.



Sino ba naman kasi ang hindi magugulat pag ang asawa mo may kahalikang iba diba? Hindi ko to inexpect hah!


Nilapag ko na yung mga papeles sa table tsaka ko hinila si Jhean palabas ng office ng gagong yun.


Palabas na kami ng building nung makasalubong ko si Carl yung pinsan ni Jc.


Hindi ko dapat siya papansinin pero bigla siyang humarang sa dadaanan namin.



"Hindi pa tapos ang office work ah. Bat ka lumalabas at bakit hila hila mo yang si Jhean?" Pagtatanong niya pero sinipa ko lang siya sa may paa niya.



"Aray! Ano bang problema mo?"


"Marami. Gusto mo share tayo?"



Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy tuloy ako palabas ng building habang hila ko si Jhean.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now