Chapter 30

10.4K 156 1
                                    

Unknown's POV

"Naayos niyo na ba ang lahat?" Pagtatanong ko sa mga utusan ko.


"Oo! Tapos na lahat."


"Siguraduhin niyo lang dahil ayaw na ayaw ko sa lahat yung may aberya."


Tumango lang silang lahat sa sinabi ko. 


"Yung mga kasamahan nilang lalaki nagpunta sila sa isang bar habang yung mga babae naman ay namasyal lang." Sabi nung isa sa kanila.


"Kayo nang bahala dapat andun na siya habang hindi pa bumabalik yung asawa niya."


Tumango na sila saka naglakad palabas ng hotel.


Napangisi ako dahil sigurado akong matutupad yung mga plano ko.


"Bukas na bukas sinisiguro kong lalayuan ka na niya."


Napagdesisyunan ko nang pumunta sa bahay na tinutuluyan nilang lahat.


Kinuha ko na yung duplicate key tsaka pinasok sa key hole pinaikot ko na yun at bumukas naman yung pintuan.


Pagkapasok ko hindi ko mapigilang mamangha dahil sa lawak ng bahay. 


"Asar! San ko naman kaya hahanapin yung kwarto ng mag asawang yun kung ganito kalawak tong bahay na to."


Lahat na ng kwarto ay napuntahan ko pero hindi ko pa rin makita yung kwarto nilang dalawa.


Ayy! May isa pa palang kuwarto na hindi ko pa nabuksan.


Naglakad na ako papunta dun sa isang sulok kung saan ang kuwarto nilang dalawa.


Binuksan ko na yung pintuan. Agad akong napangisi dahil nasisiguro ko nang ito yung kwarto nilang dalawa .


John Caleb's POV

Nandito kami ngayon sa Canon's bar dito kasi nila naisipan na pumunta dahil yamot na yamot daw silang mamasyal ngayon.


Ayoko sanang uminom pero mapilit tong dalawa kaya uminom ako ng isang shot lang.


"Grabe ka naman Jc iisang shot lang ang kaya mo?" Sabi ni Carl na ngayon ay nalalasing na rin dahil sa dami ng ininom.


"Oo nga po sir isang shot pa po." Sabi ng bartender.


Bakit ba nagingealam tong isang to? Laking epal naman nito.


"Kita mo pati yang bartender gusto kang uminom." Sabi ni Carl.


Wala na akong nagawa kundi kinuha yung shotting glass na may laman ng liqour at inisang tungga ko yun.


Bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo nung ininom ko yun  sa pagkaka alam ko hindi ako madaling malasing even if it is an strong alcohol.


"Mukhang bumibigay kana ah. -" Jacob


Rinig kong sabi ni Jacob.


"Umuwi na lang kaya tayo muka ngang tinamaan kana." Dagdag pa ni Carl.


"Yung mga kasamahan ko na lang pa yung maghahatid sa kanya." Sabi nung bartender.


"Pero hindi nila alam kung saan yung bahay namin." Tugon ni Carl sa bartender.


"Sila na pong bahala  mag enjoy na po muna kayo dito." - Bartender.


"Ohh sige! Mapilit ka ehh." Sagot ni Carl.


Yun lang ang huli kong narinig hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay.


Jheanna Anne's POV

Naka upo na kami ngayon sa isang bench dahil pagod kami sa kakaikot kaya naisipan naming magpahinga muna dito sa isang park.


"Jhean anong oras mo diyan?" Pagtatanong ni Elize.


"5 na ng hapon." Sagot ko habang nakatingin sa wrist watch ko.


"Uwi na tayo  hapon na kasi saka baka maya maya lang ay gagabi na." Sabi ko.

 

Pag kasi 5:30 na medyo madilim na rin.


"Ayyyiieee! Kaw ha namiss mo lang si Jc kaya gusto mo nang umuwi." Pang aasar ni Elize.


Grabe siya gusto ko lang na umuwi eh. But on a second thought  namiss ko nga yung lalaking yun. Ano kayang ginagawa nun ngayon?


"Jhean down to earth." Sabi ni Lean habang winiwave yung kamay niya sa mukha ko.

Nabalik lang ako sa katinuan dahil sa ginawa ni Lean.

"Siguro iniisip mo si Jc kaya wala ka sa sarili mo noh." Nakangising sabi ni Elize.


"Uii hindi ah!" Depensa ko kahit alam ko namang totoo yung sinasabi niya.


"Magdedeny pa." Panunukso ring sabi ni Lean.


"Ano nga? Namimiss mo siya noh?" Pangungulit ni Elize.


"Oo na! Oo na! Namimiss ko siya Ano masaya na kayo?"

 

Kung hindi ko rin naman sasabihin ay hindi nila ako titigilan kaya sinabi ko nalang.


"Ayyiiee! Kayo ha! May namumuo na ba?" Nakangiting sabi ni Elize.


"Tara na nga. Umuwi na tayo." Pag iiwas ko sa tanong niyang yun.


"Uii hindi makapag pigil atat makita si Jc."


Isa pa tong si Lean ehh ano bang nakain nito at masyadong madaldal. Well madaldal naman talaga siya. Hindi ko na lang sila pinansin. Nauna na akong naglakad papasok sa sasakyan ni Elize kaya sumunod na lang din sila sa akin. Baka kasi hindi nila ako titigilan kaya nauna na akong umalis.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now