Chapter 27

10.6K 191 0
                                    

"Swear  hindi na ako sasakay sa bangka kahit kailan." Pag rereklamo ni Lean nung makababa na kami.


"Bakit ka pa kasi sumakay kung duwag ka naman." Carl


"At kailan ka pa natutong sumabat sa usapan ng iba huh?" Lean


"Siguro ngayon lang  ikaw ano sa tingin mo?" Carl


"Arrggghh! Alam mo ikaw, bakit ka pa kasi nabuhay." Lean


"Para masilayan ng mga tao kung gaano ako kagwapo." Carl


"Ang pag kaka alam ko hindi naman mahangin kanina pero bakit utak ng isa diyan masyadong mahangin?" Lean


Haayyy! Here we go again hindi na naman titigil ang bungaga ng dalawang yan sa kakatalak hanggang sa walang pumipigil sa kanila. Halos tahimik lang kaming apat habang pinapanuod silang magbangayan.


"Alam m-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Carl dahil sa pang aawat ng kanyang kapatid.


"Ohh Ohh! Tama na yan baka mamaya mag suntukan pa kayo diyan. Tara na nga lang at kumain gutom na ako ehh." Sabi niya at naunang nag lakad.


Tumingin silang dalawa sa amin at tanging iling lang nakuha nila sa akin habang si JC naman ay  naka ngisi sa kanila.


"Hey sweety wait for me." Tawag ni Jacob kay Elize pero dirediretso lang itong nag lakad.


"Sweety?" Lean/Me


"Gross." Lean/ Me.


"Inggit lang kayong dalawa." Sabi niya sa amin.


"At baki-" Hindi na natapos ni Lean ang sasabihin niya dahil sumigaw ulit siya.


" ANO BA?! MABUBUSOG BA KAYO SA KATATALAK NIYONG NIYAN HUH?!  BILISAN NIYO NA'T GUTOM NA AKO." 


Nagka tinginan kami ni Lean dahil sa pag sigaw ni Elize.


" OO ANDIYAN NA." Pabalik na sigaw ni Jacob saka naunang nag lakad at hinabol ang sweety niya kunno.


Nandito kami ngayon sa Mcdo para kumain. Nung una nga ang sabi nila Jollibee daw pero mapilit si Elize kaya dito sa Mcdo na kami tumuloy.


"Ui kayong dalaw ahh. Hindi niyo pa sinasabi sa amin kung paanong naging kayo?" Sabi ni Lean habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.


"Oo nga att bakit parang kayong tatlo lang ang nakakaalam." Dagdag pa ni Carl na katabi lang ni Jc.


"Okay! Okay! Actually last month pa lang nung naging kami okay.  Nalaman lang ni Jhean nung nakaraang araw."


"Pero pano nga?" Tanong ulit ni Lean. Kahit kailan tlaga ang kulit ng babaeng to.


"Ohh edi nanligaw siya sinagot ko naman." 


"Pero pano kayo nag kakakilala?"


"Mag  ka classmate kami nung highschool."


"Ahh!" Yun lang ang naisagot ng dalawa.


"At ikaw  magaling kong pinsan  bakit mo pinag seselosan tong boyfriend ko ha?" Pagtatanong ni Elize sa pinsan niya.


"Ehh kasi-" Pinutol ni Jacob ang sasabihin sana ni JC.


"Masama na bang yakapin ko ang kapatid ko?" Nakangiting sabi nito.


"😩 What?" Pasigaw na tanong ni Jc. Nabaling tuloy yung tingin ng mag tao sa kinaroroonan namin.


"Punyeta Jc ano ba  magkalapit lang kayo hindi mo kaylangang sumigaw." Sabi ko sa kanya. Bakit kasi kailangan niya pang sumigaw?  Yun nakatingin tuloy lahat ng tao sa amin. Nakakahiya. 😕


"Pero paano? Diba only child lang si Jheanna?" Napa irap ako dahil sa sinabi niyang yun.


"Hindi naman totally na magkapatid sila dahil parang mag kapatid na ang turingan nila noh." 


"Ahh! Tsk! Hindi mo naman kasi sinabi ng maaga ehh. Basta basta mo kasi siyang niyakap pero pasalamat ka na nga lang at hindi kita nasuntok."


"Ayos lang atleast alam kong mahal mo talaga siya pero kung oras na lokohin mo siya malilintikan ka sa akin." Pambabanta niya.


"Tsk!" Yun lang ang naisagot ni Jc saka tumayo.


"Tara na. " Sabi niya habang naka tingin ng diretso kaya hindi namin alam kung sino yung tinutukoy niya.


Tumingin siya sa akin kaya. Napulunok ako kaya tumayo na ako at nag paalam sa kanila saka sumunod sa kanya.


"Bilisan mo naman diyan." Sabi niya nang nakatalikod sa akin.


"Oo na  eto na."


Tumakbo ako papalapit sa kanya pero sa likuran lang niya ako.


"Bakit ka andiyan sa likuran." Sabi niya at hinila niya ako sa tabi niya at inakbayan niya ako.


Shet 😆!  Bakit niya ba to ginagawa? Hindi ko tuloy maiwasan ang kiligin  ^_^. Pero totoo kaya na nagselos siya kay Jacob noon? Napailing nalang ako. Ehh ano naman ngayon kung nag selos siya? Ano namang paki alam ko dun? Pero hindi ko talaga maiwasang mapangiti sa tuwing naiisip ko yun.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now