Chapter 4

19.8K 323 0
                                    

"Ano ba Lean, bilisan mo diyang maligo malelate na tayo sa work."

"Oo na, Oo na."

After 4 minutes lumabas na siya ng banyo.

"Haayyy! Buti naman at lumabas ka na akala ko gusto muna ng tumira diyan kaya ayaw mong lumabas."

" Haha nakakatawa, tsk. Bakit ka ba kasi nagmamadali huh? 7:00 pa lang oh and to tell you huh 8:30 po ang start ng work natin."

"Ehh ayoko lang naman na nalelate na pumapasok sa work."

" Wow! Bakit? Kailan pa tayo nalate na pumasok? Diba never as in NEVER."

"Whatever Lean." I rolled my   eyes tsaka ako pumasok ng banyo para maligo.

Aileanna's POV

Thanks Ms. Author sa POV. ^_^

Hai there. My name is Aileanna Joy Valdez same age kami ni Jheanna but I call her Jhean.

Jhean and I became friends since we were in our grade school so that's how we became friends or I should say bestfriends.

I only have her as my family because my parents died when I was 18 and she told me that I can stay in their house.

I choose to stay with them than to my relatives because my relatives don't treat me as their own well hindi naman lahat kasi meron pa yung Lola kong mahal na mahal ko na ngayon ay nasa probinsya namin.

Grabe ang tagal naman niya sa banyo kung makatagal siya sa akin kanina mas matagal pa pala sa kanya.

Matawag nga.

" Jhean, bilisan mo diyan nakabihis na ako, naihanda ko na ang hapagkainan hindi ka pa tapos maligo diyan? Grabe naman yan ang takaw mo sa tubig."

Natawa ako dahil sa isipin na hindi ko pa pala naihanda yung hapagkainan.

"Malapit na po."

"Ohh basta bilisan mo diyan."

Bumaba na ako para ayusin ang hapag kainan habang hindi pa siya tapos na maligo.

Matapos kong ayusin at ihanda ang mga pagkain sakto naman na bumaba na siya.

"Ohh bilisan mo diyan at ng makakain na tayo."

Lumapit na siya at umupo kaya sinimulan na naming kumain ..

********************************
Jheanna's POV

Nandito na kami sa hotel kung saan kami nagtatrabaho. Habang abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa.

Napansin kong pumasok si Mr. Rivera ang manager ng hotel na to.

Ai oo nga pala ang restaurant ding ito ay pagmamay ari ng pamilyang Fuentes kaya hindi na nakapagtataka na ganun sila kayaman.

" Attention everyone."

Pagkasabi pa lang ni Mr. Rivera nun tumigil silang lahat sa kanilang mga ginagawa at hinanda ang kanilang mga sarili na makinig sa kung ano mang sasabihin niya.

"Nandito ako para may ipapakilaka sa inyo na kasama niyo na rin dito."

Matapos niyang sabihin ang mga katagang yun nagsimula na silang magbulungan.

"Sino kaya yun?" pagtatanong ni Lean na ngayon ay nasa tabi ko lang.

"Hindi ba obvious na lahat tayo dito ay walang alam tungkol sa bagong dating na yan."

"Sabi ko nga."

"Ahhheeeemmm."

Tumigil silang lahat sa pagbubulungan ng marinig nilang tumikhim si Mr. Rivera.

" Ms. Sanchez pumasok kana ng makapagpakilala ka sa mga kasamahan mo."

Pagkapasok niya marami ang namangha dahil sa kanyang ganda lalo na sa mga lalaki.

"Sige na magpapakilala ka na."

Ngumiti muna siya bago siya nagsalita. Pero ito lang ang masasabi ko ang ganda niya grabe.

"Uhh! Hai guys. My name is Elizabeth Fuentes Sanchez. Elli for short at sana marami akong maging kaibigan dito." nakangiting sabi niya.

"Sige na kayo na ang bahala sa kanya."

Tapos nun umalis na ang manager namin.

Nakakahiyang lapitan si Elizabeth isa pala siyang Fuentes pero bakit kaya siya magtatrabaho dito?

Siguro she have her own reason kung bakit siya nandito.

Pinag kibit balikat ko na lang ang isiping yun.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now