Chapter 10

14K 225 0
                                    

Jheanna's POV

Nandito kami ngayon sa bahay and were watching a movie entitled Fireproof.

2 days na rin nung naka usap ko yung kumag na yun.

* bzzt ..*

* bzzt ..*

Habang nananunuod kami ni Lean narinig ko ang pag vibrate ng phone ko na nakapatong sa table na katabi ko lang.

"Ano? Hihintayin mo bang mahulog yung cellphone mo sa kakavibrate bago mo sagutin yung tawag mo?"

Kinuha ko na yung cellphone ko sa table malapit lang sa akin at baka lalo lang na magalit si Lean pag hindi ko pa yun sinagot.

- tita Carmina calling -

Sinagot ko na yung tawag at sinigurado ko rin na naka loud speaker ito para marinig din niya ang pinag uusapan namin para hindi na siya magtatanong mamayan.

" Ohh thank god after how many rings you answered it."

Yan ang unang sinabi ni tita pagkasagot ko pa lang ng tawag niya.

"Sorry po kung hindi ko nasagot agad yung call niyo."

"Nah it's okay."

"Bakit po kayo tumawag?"

" Ohh yeah kaya pala ako tumawag para sabihin sa'yo na pupunta ka dito sa St. Luke church."

"Para san po?"

" Para sa wedding preparation mo bukas."

"Okay sige po."

" And oh don't forget to bring with you your friend."

"Okay po."

- toot toot -

"Sige na pumunta kana sa taas para magbihis ako ng bahalang mag aayos dito."

Umakyat na nga ako sa taas para magbihis gaya ng sinabi niya sa akin.

Naligo na't nakabihis na ako kaya lumabas na ako ng kwarto ko.

Pagkalabas ko nakita ko na rin na lumabas sa kwarto niya si Lean.

Nauna na akong bumaba ng hagdan kaya kasunod lang niya ako.

Lumabas na kami ng gate at dun naghintay ng taxi ..


After 3 minutes na paghihintay may dumating na din taxi, sumakay na kami at sinabi kung saan ang punta namin.

*********************
After ng 15 minutes na byahe nakarating na rin kami sa church na sinabi sa akin kanina ni tita Carmina.

Bumaba na kami ng taxi at iniabot ni Lean ang pamasahe namin sa taxi.


Nagsimula na kaming maglakad papasok ng church.

Nasa pintuan pa lang kami ng sinalubong kami ni tita Carmina.

Nakita ko na rin sina tito Lawrence at Caleb na papalapit sa kinaroroonan namin.


" Jc meet Jheanna." sabi ni tito ng makalapit na sila sa amin.


"We've met already." cold na sabi niya kay tito Lawrence.

"Tita tanong ko lang po."


"Ano yun?"


"Bakit po tayo dito sa church kung wedding preparations ang gagawin natin?"

"Geez your really are so slow."

Pagsasabi sa akin nun ni Caleb. Ehh sorry naman no para lang nagtanong yung tao ehh.

" Jc, watch your words." pagsaway sa kanya ni tito.


"What? I'm just telling her the truth." and with that tumalikod na siya at lumakad paalis sa kinaroroonan namin.

"Pagpasensyahan mo na yung si Jc. " pag papaumanhin ni tito Lawrence.

Buti pa ang Tito Lawrence marunong mag sorry hindi tulad ng isang yun.



"Ayos lang po." nakangiting sabi ko para hindi na sila mag alala.

"Nandito tayo ngayon sa church para mai master mo yung gagawin mo bukas."

Ahh kaya pala! Bakit hindi ko yun naisip?

Am I that slow para hindi man lang yun naisip?

"Ahh!"  yun na lang ang naisagot ko.

"Tara dun tayo sa harapan para mapag usapan na natin yung mga gagawin mo bukas."

"Sige susunod na lang po kami."

"Okay .." tumalikod na siya sa amin at nagsimulang mag lakad paalis sa amin.

"Hindi ko alam na slow ka pala.Ohh sa harapan lang yan ni Jc?" sabi ni Lean na nasa likod ko lang kanina pa.

I laughed sarcastically on her statement.

"Nang aasar ka?"


Ngumiti lang siya sa akin at nag simula ng maglakad patungo sa kinaroroonan nina tita Carmina kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Ang tinuro lang naman nila sa akin ay kung paano ang mag march at kung ano ano pang kaekekan.

Matapos sa church pumunta naman kami sa bahay nila or I should say mansion na bahay nila para mag sukat ng mga damit ,sapatos etc.

Grabe sobra akong napagod sa ginawa namin ngayong araw.

I'm Married to a MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon