Chapter 46

10.3K 176 0
                                    


Jheanna Anne's POV



Medyo ginabi kami ni baby Mj dahil sa pagkukwentuhan nila ni Jc at dahil na rin sa paglalaro nila.



Minsan nga sinasali ako ni Mj pero tumatanggi ako, bonding nilang mag ama yun kaya hinayaan ko na lang.



Nandito na kami sa loob ng bahay pero ayaw pa ring bumaba ni Mj mula sa pagkakabuhat ni Jc sa kanya.



Nandito si Jc dahil siya ang naghatid sa amin dito.



"Baby daddy needs to go, get down there." Sabi ko dahil ayaw niya pa ring bumaba, kailangan na kasing umuwi ni Jc dahil gabi na rin.



"Jc ibaba mo na kasi siya." Sabi ko kay Jc.



" Ayaw nga niyang bumaba eh, kita mo ohh ang higpit ng kapit." Nakangising sabi niya.



I rolled my eyes saka lumapit sa kinatatayuan niya.



Kinukuha ko na si Mj sa kanya pero masyadong mahigpit yung kapit niya sa leeg ni Jc.



"See?  Sabi sa iyo ayaw mo pa kasing maniwala." Nang aasar na sabi niya.



Hindi ko siya pinansin at pilit pa ring  tinatanggal  ang  pagkakapit ni Mj kay Jc.



"Baby let go, daddy needs to go."



"No mommy I want to stay with daddy." Maktol niya.



"Baby, your daddy really needs to go, he's a busy person and he can't stay here." Paliwanag ko sa kanya pero umiling lang ito at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa leeg ni Jc.



"It's okay if I'll stay here for the night I will not be busy tomorrow so I can stay."



Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Buwesit talaga ang lalaking to alam na ngang hindi ako komportable pag nandito siya eh.



"See mom you're lying." Mj said.




"Okay okay. " Suko ko dahil pinagkakaisahan  naman nila akong dalawa eh./

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now