Chapter 31

9.6K 164 0
                                    

Jheanna Anne's POV

It's almost six when we arrive to Elize's house.


Paakyat na ako sa kwarto para magpahinga nung may naramdaman akong sumusunod sa akin.


Napatalikod ako ng wala sa oras para tingan kung sino yun.


"Lean bakit ka nakasunod sa akin?" Tanong ko nung mapagtanto ko na siya yung sumusunod sa akin.


"Gusto kong magpahinga sa kwarto mo I mean sa kwarto niyo wala pa naman si Jc diba?"


"Pero may kwarto ka naman diba?"


"Ehh mas malambot naman kasi yung kama niyo  hindi kasi ako komportable sa kwartong binigay ng Carl pangit na yun." Naiinis na sabi ni Lean.


Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.


Bubuksan ko na sana yung pintuan nung magsalita si Elize mula sa likuran naming dalawa.


"Pwedeng ako rin? Dito na rin ako magpapahinga?" Nakangiting tanong niya kaya tinanguan ko na lang siya bilang sagot sa kanyang tanong.


Binuksan ko na yung pinto. Nauna na akong pumasok dahil ako naman yung nasa unahan kaya ako yung unang pumasok.


Pero nabato ako sa kinatatayuan ko. Yung parang hindi mo maigalaw lahat ng parte ng katawan mo. Nangiginig na rin ang mga binti ko dahil sa nakikita ko.


Pinagsisihan ko tuloy na pumasok dito. Nakapasok na rin yung dalawa pero hindi nila nakita yung pangit na view na nakikita ko ngayon dahil nakaharang yung pintuan sa kanila.


"Hoy Jhean! Pagod na ako pwede bang pumasok ka na?" May pagka iritang sabi ni Lean pero hindi ko pa rin magawang igalaw yung mga paa ko.


Aileanna Joy's POV

Ano ba yan! Gustong gusto ko nang sumampa sa kama nina Jhean pero hindi pa rin siya umaalis sa kanyang kinatatayuan niya kaya tinulak ko ng tuluyan yung pintuan na nakaharang sa aming dalawa ni Elize.


O.O 


Pero hindi ko inaasahan yung nakita namin ni Elize. Kaya pala hindi kumikibo tong isang to.


Do you want to know kung anong nakikita ko ngayon? Try niyong pumunta dito so you can see it clearly. Haha joke ^_^ 😅!


Napasabunot na lang ako sa buhok ko, ganito na nga yung sitwasyon nagawa ko pang magbiro. Tsk!


Anyways eto yung naabutan ko I mean namin.


Jc is sleeping well not alone lang naman kasi he's with someone and wala lang naman siyang damit pang itaas and who knows kung pati sa pang ibaba niya wala na din.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now