Chapter 26

12.2K 207 0
                                    

Unknown's POV


"Anong hindi niyo alam kung saan sila nagpunta? " Sigaw ko sa kanila.


Buwesit tong mga to. Ni hindi man lang sila nakakatulong sa akin.


"Pasensya na po. Hindi po kasi namin namalayan na nawala na si-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya.


"Hindi niyo sila nakita dahil sa katangahan niyo."


Ihahampas ko na sana ang hawak kong libro nung biglang bumukas ang pituan.


"San ka galing at ngayon ka lang?" Pagtatanong ko sa kadadating na isa sa mga inatasan kong magmanman kila Jc.


Tiningnan niya ako saka ngumisi na siyang kina nuot ng noo ko.


"Alam ko na po kung san sila nag punta." Nakangiting saad nito.


Nabuhay ang diwa sa loob loob ko dahil sa narinig kong sinabi niya.


"Saan?" Agad kong pagtatanong sa kaniya.


"Baguio." Tipid niyang sagot.


"Magaling! Maasahan ka talaga kahit kailan."


Muli akong tumingin sa apat na kanina pang nakatayo.


"At ano pang tinatayo tayo niyo diyan? Mag handa na kayo dahil bukas na bukas ay bebyahe na tayo."


Agad naman silang kumilos nung sinabi ko yun.


Kahit san ka man pumunta hahanapin at hahanapin pa rin kita kahit saang lugar pa kayo magpunta.


Napatawa ako ng pagak sa aking isipan.


John Caleb's POV

Mahina kong tinatapik ang pisngi ni Jhean dahil hindi pa siya nagigising.


"Hhhhhmmmm?" Ungol niya habang nakapikit ang kanyang mga mata.


"Gising na  may pupuntahan pa tayo."


"Anong oras na ba?"


"1:00 na ng hapon ."


Pagkasabi ko nun agad siyang bumangon sa kanyang pagkakahiga at di makapaniwalang tumingin sa akin.


"Bakit hindi mo sinabi agad?"


"Hindi ka rin naman nagtanong agad sa akin kaya hindi ko sinabi."Sabi ko sa kanya habang tinitingnan siya na nag mamadaling kumukuha ng kanyang damit sa closet .

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now